May mga gifted na musicians na walang instrumento sa bahay, pero pag pinatugtog mo, e sobrang galing talaga.
Sa tingin ko ito ang sikreto nila - mental exercise.
Isang classic example yung free throw shooters experiment dati. May dalawang grupo na pinapatira ng free throw shots, yung isang grupo ay binigyan ng training regimen, at yung isa naman ay binigyan ng instruction na mag-concentrate at mag-visualize lang na mashu-shoot nila ang bola. Ang kinalabasan, mas maraming napasok na tira ang "visualizers" kumpara sa mga "trainers".
Siguro sa drumming effective din ito, yung iisipin mo muna ang mga gagawin mo, pero walang motor movement na gagawin, kahit air drumming wala. Meditation kumbaga.
Pero sa tingin ko mas effective ang regimen na may oras para lang sa visualization at the same time ay oras para sa motor exercise.
Discuss.