sa palagay ko, ang mga rockers sa generation naten, most likely, ay yung may mga rock-influenced parents din.
10 years old pa lang ako, alam ko na kantahin yung Black Dog ng Ledzep dahil lagi pinapatugtog ng tatay ko yung LP nila. Kapag nakita ko na may mansanas yung pinapatugtog na LP, alam ko na agad, Beatles yon. ako rin ang sumira sa "Concert for Bangladesh" na betamax ng tatay ko. nung bata pa ako, dalawa lang ang napapanood ko halos - Batibot or concert ng kung sinong mukhang adik na banda. marami na rin akong nasirang tape ng tatay ko nung nauso yung backmasking conspiracy.
you see, rock is not just music. it's a lifestyle, man! \m/