mukang hindi na naman bago sa inyo tong drum shell interior finish/treatment pero gusto ko lang subukan parang wala kasi masyadong naguusap tungkol dito.
sa mga nabasa ko ginagawa din ito ng mga kilalang drum company tulad ng tama, pearl, gretsch, ludwig, yamaha, mapex at madami pang drum company sa mga high-end drum kit nila especially noong mga 70's-90's. ang gretsch daw ay nagamit ng "silver finish" hanggang ngayon(hindi ko sigurado kasi hindi pa ako nakakagamit ng gretsch drums). ang tama drums naman makikita to sa star drum line nila. yung gretsch sinasabi na isa sa recipe nila yang silver finish para magdagdag sa character ng tone ng drums nila. ang tama naman hindi ko alam kung aesthetics at protection lang ang reason nila or may kinalaman din sa tone quality
Masyadong "moisture" ang hangin sa room kung saan nakalagay ang drum kit ko kapag mainit ang panahon. dahil jan, gusto kong bigyang protection ang drum kit ko, lalo na ang shells, laban sa molds at iba pang makakasama sa drum shell. pero may nabasa pa akong mga article na sinasabi nila na MAAARING magiiba ang tone ng drums dipende sa gagawing wood treatment.
eto yung mga alam ko na pwedeng gamitin para makapagbigay protection sa drum shell:
tung oil
linseed oil
polyurethane (oil-base/water-base)
lacquer finish
wood varnish
wood stain
ganito lang yung konsepto sa mga nabasa ko:
mas smooth and thick na coating, mas focus at bright ang posibleng maging tone. pero sabi din ng ilan na yung mga tung oil, danish oil at linseed oil nakakadagdag daw ng warmness sa tone.
wala pa akong nasisimulan pero bukas na bukas bibili ako ng tung oil para light lang ang coating at hindi makaapekto masyado sa tone ng drums dahil ang main objective ko lang naman ay mabigyan ng protection ang shells.
btw, mapex horizon hx (basswood shell) nga pala yung pageexperimentuhan ko.
kung wala akong makuhang tung oil, polyurethane(water-base satin finish) na lang ang gagamitin ko. try ko magpost ng photos ng mga gagawin ko para kung maging palpak matatauhan na kayo na wag na gumaya sa akin