parang halos lahat purebred, isa lang nakikita kong Aspin, or Philippine Native Dog, nakakalungkot dahil ang trato sa kanila ay hindi katulad ng trato sa mga purebred. Pareho lang naman silang matalino, malambing at di ka iiwanan. Pag nakakakita ang mga tao ng native sa kalye hindi papansinin st mamaliitin pa, ang pagiisip natin, "askal lang naman". Bakit kaya natin pnprioritize ang mga purebred? dahil ba sa presyo nila? dahil ba sa papers o pedigree na sinasabing champion line itong asong ito? oh dahil sa kakaiba? kung tutuusin, ang mga mongrel o mutt, na ang ibig sabihin ay mixed breed, kasama na dito ang askal, ang mas unique sa mga purebred, na merong standard built at trait. libo libong purebred ang magkakamuka, ang mongrel, one of a kind. hindi ko sinasabi na pare pareho ang mgav purebred, dahil alam ko na tulad ng tao, walang dalawang aso sa mundo ang parehong pareho, nagkakaiba parin. Nakakalungkot lang, ang mga aso, na para sa akin ay ang pinakainosente, pinakamapagmahal, pinakamabuti at pinakaloyal na kaibigan sa buong mundo, ay nagiging status symbol para sa karamihan. ang iniisip ng mga tao, pag purebred ang aso mo, mayaman ka, pag may malaki kang aso katulad ng mga nabibilang sa moloser group, maangas ka, macho ka. wala akong pinapatamaan sa mga tao dito, alam ko lahat kayo mapagmahal sa mga aso tulad ko kaya nga kayo nasa thread na to, gusto ko lang marealize ng mga tao kung ano talaga ang nangyayari sa bansa natin, talamak ang discrimination sa lahat ng bagay, maging sa trabaho, pamumuhay, kotse, pananamit, maging ang brand ng musical instrument o genre at syempre mga aso. Nakakalungkot dahil yung dalawang huling sinabi ko ay ang pinakamalaking passion ko sa buhay, tapos ganito ang nangyayari, pinapagaway pa as a sport ang mga fighting breeds, nagusto lang naman mapasaya ang kanyang amo kaya siya lumalaban, hangang sa kamatayan. napakalambing ng mga pitbull, hindi dapat sila ginaganito para pakainin ang ating ego at para sa pera.
Idadag ko na rin, na pag bumili ka sa petshop, pinapalaki mo ang mga puppy mill industry, ito yung "pagawaan" ng mga aso, mass produced, parang assembly line, grabe ang mga condition ng facilities na to. iresearch niyo nalang sa internet. Kung gusto niyong magalaga ng aso, marami naman kayong mapupuntahan, isa na dito ang PAWS Animal Rehabilitation Center o PARC sa may Katipunan, nirerescue ng organization na ito ang mga pusa at asong abused, abandoned at neglected. Napakalambing ng mga aso't pusa dito, siguro alam nila o grateful sila na nabigyan sila ng 2nd chance sa buhay, abused sila malamang dahil halos lahat ay native dog at cat, na mababa ang tingin ng mga tao. Pwede kayong magadopt sa shelter, masaya ang pakiramdam dahil alam mong mabibigyan mo ng isa pang shot sa buhay ang isang inosenteng aso. Kapag naman gusto niyo talaga ng purebred for whatever reason, wag na wag kayong bibili sa pet shop, dun kayo bumili sa isang responsible breeder, na nagbbreed ng mga aso hindi dahil sa profit, kundi dahil sa passion.
uulitin ko wala akong gustong awayin dito, sa katunayan may apat ako na purebred, at apat na native. gusto ko lang mabago ang pagtingin kay Bantay, at tangalin ang discrimination. At para matangal ang pet overpopulation sa Pilipinsa, para mawala ang mga neglected na aso't pusa sa kalye, pakiusap ispay or neuter (kapon) nyo ang inyong mga alaga kung hindi gagamitin para sa conformation o sport. napakarami din nitong health at behavior benefits. research niyo din sa internet kung interesado kayo
PEACE.