Ang kinaiinis ko talaga e discrimination from other "musicians".
Kagabi lang paglabas ng Transound insulto agad ang narinig ko sa banda na susunod samin.
Oo na sige na Benilde/DLSU/AdMU kayo, malaki ang pagkakataon niyong sumikat dahil malakas ang connections niyo at mayaman kayo, at hindi ko na maisip na sana e karmahin kayo kasi mukhang maganda ang kinabukasan ng banda niyo, wala na akong magagawa doon, pero sana naman makarespeto kayo ng kapawa musikero. Ilang araw pa lang ako doon sa bagong banda, kaya sana naman wag kayo maging ignorante.
Edit: Dio, hindi kayo ang tinutukoy ko dito ha!
papa gep, easy ka lang. ilabas mo na lang sa kabilang tenga yung mga naririnig mo. may karma din sa mga ganyang tao.
ako sa opinion ko, unang-una sa lahat malaking issue para sa mga drummers ang presyo ng mga gamit. drumstick pa lang ang mahal na.
pangalawa, di naman sa nagrereklamo, pero ang hirap magdala/magbuhat/mag setup ng gamit pag may gig lalo na pag mag-isa ka lang at walang "roadie" kumbaga (kasama na rin dito yung reklamo ko sa mga bars na medyo gutay-gutay na ang kits). pero i suppose swerte pa rin naman tayo kasi sa ibang bansa, no matter how small or short your set is, bring your own kit palagi eh. hehehe..
pangatlo, loss of hearing. nakupo, ayoko mangyari ito ng tuluyan sa akin. tayo pa naman ang pinaka-maiingay eh diba?
so far yun pa lang naman...
pero sa kabilang side naman eh ang sarap maging drummer kasi walang ibang instrumento ang may kapatiran tulad ng mga drummers. agree ba kayo!??!!?!