Fellow drummers!
Kasi meron akong ZBT4 na kasama sa binili kong drumset. Syempre lahat naman tayo siguro gusto magkaroon ng maraming cymbals. "The more, the merrier" ika nga. Lahat rin tayo gusto magkaroon ng Zildjian A o kaya K di ba? Kaso alam nateng lahat na masakit siya sa bulsa. hehehe
Magpapatulong lang sana ako sa mga opinyon niyo. Gusto ko mag invest sa mga high end type na ng cymbals, kaso ang hirap rin mag ipon at gusto ko na rin sana madagdagan ang ZBT4 ko para mas masarap ang ensayo. Tutal naka ZBT4 naman ako, ayos lang ba kung panay ZBT muna ang bibilin ko? Tulad ng 18'' na Crash, 18'' na China, 8'' at 10'' na Splash. Tas tsaka na ko magiinvest para sa mga high end na tulad ng A Custom at K Custom. Tutal pang ensayo lang naman sa bahay ang magiging purpose ng ZBT effects na bibilin ko e. Di ba? Atlis kung sakaling makabili na ko ng mga K Custom kung sakali, may pang ensayo(ZBT) ako at pang gig(K Custom). Di ba?
Ayos lang naman di ba mga kapwa Tambolista?
Help...Hindi ko kasi alam kung manghihinayang ako o ano e
Salamat mga pare ko