One of my photos during my first photowalk at Intramuros. Taken May 2009.
Everytime I see this photo, naaalala ko yung group ko sa DPP (YoPho). May ka-member kasi ako na pangalan ay GJ at meron siya ganito shot na halos parehas sa photo na 'to.
We had a post-Christmas party nung Dec. 2009 ng group namin kung saan meron kami exchange picture, then siyempre nagbigayan na ng gift and we have to explain kung bakit yun ang piniling picture na ibigay. Nung turn na ni GJ na ibigay yung picture sa nabunot niya, nagulat ako dahil sa isip ko "teka. parang akin yun ah". So yun, bigla ko rin naalala na meron din siya shot na ganito at sinabi niya na memorable sa kanya yung photo na yun dahil nga sa akin. Kasi for him, kaya pala talagang nagkakasundo kaming members ng group namin dahil iisa lang talaga iniisip namin when it comes to photography and he wishes na sana talagang mag grow ang YoPho at ito'y makilala.
Last week I got a confirmation sa PiPho Org na qualified ako na maging member nila. Nung una excited ako pero a week after, I saw this photo again sa Lightroom Catalog ko, at siyempre naalala ko ang YoPho. Iniisip ko baka sa pagsali ko sa ibang org eh maging dahilan ng hindi ko pagiging active sa YoPho. Nagtanong-tanong muna ako sa mga kasama ko about my decision then siyempre usual answer nila "kung saan ka masaya". Naisip ko na masaya naman na ako sa YoPho at bakit pa ako maghahanap ng iba pang grupo kung kaya rin naman namin ang ginagawa nila. At dahil diyan, di na ako um-attend ng meeting ng PiPho Org kung saan kami ay ipapakilala bilang bagong miyembro.
Sorry ang haba!