Kabibili ko pa lang ng Bridge CD nung Sabado. Orig po ito promise.
May nagbigay kasi sa akin ng CD sampler ng EMI and loved Rollercoaster. Ang galing! Really catchy, medyo foreign sounding. Not sure why.
Ang aking mga paboritong tracks to date ay:
Uncertainty- Again, ang galing! Shucks, sobrang relate ang byuti ko. "How would I know if my own heart is telling lies?" Araguy!!!
Makinarya-para sa mga nagpalamon sa corporate system.
At siyempre Kahit na! at Rollercoaster
Ang galing po ng boses ni Johnoy (tama ba ang ispeling ko). Malamig sa tenga parang ice cube hehehe.
Sana ay mapanood ko sila sa fete. Yung isang pic sa album sa UP libe steps yun noh? Malapit sa mountaineer tambayan?