2 weeks ago...
Wifey: Iuwi mo na nga sa bahay ng parents mo yung mga hardcases ng guitars mo. Nakakalat lang sa room ni Andi (our daughter) eh...
Me: Ha?!!! Nasa ilalim naman ng bed. Hindi naman kalat yan. Saka kailangan ko sila pag inilalabas ko ng bahay yung guitars kasi baka magasgasan sila. Hindi naman pwedeng isa lang ang maiwan kasi magkaiba ng mold yung dalawang electric guitars ko, so magkaiba yung case na ginagamit sa kanila.
Wifey: Tignan mo, inaalikabok na. Panget tignan.
Me: Nililinis ko naman ng Pledge everytime ginagamit ko so okay lang.
Few minutes of silence...
Me: Kung gusto mo, iuuwi ko yung cases sa Bulacan.... Pero... Bibili ako nung magandang gig bag na tinitinda ni Jeff. Ayun, pag meron ako nun pwede ko na iuwi talaga kina Daddy yung hardcases kasi kasya dun ang Strat at Les Paul na gitara.
Wifey: Hay nako, buti pa nga kumuha ka ng gig bag na yan kay Jeff...
Me:
------------------------------------------------------------------------------------------------------
10 minutes ago...
Me: Babe, I have something in mind. I wanna know what you think about it...
Wifey: What is it?
Me: Kasi right now I have a pedal (Plextortion) na hindi na kasya sa board ko. Aside from that, I'm planning to buy a pedal or two pa in the future. So, I'm thinking dapat siguro bumili ako ng isa pang Pedaltrain. Di ba naipakita ko na sa yo dati yung maliit na Pedaltrain na 3 pedals lang ang kasya? Yung sabi mo ang cute cute kasi ang liit nung board at may bag din na maliit?
Wifey: Hmmmmm... Don't you think mas okay kung bigger board ang bilhin mo instead na another maliit na board para kasya lahat ng pedals sa isang board?
Me:
Hmmmmm... Oo nga, no? Pero masyado na malaki pag bigger pa sa Pedaltrain Jr ang gagamitin ko. Hindi na kasya sa cabinet ko. At super bigat na yun. Tignan mo si Martin (Doubletrouble), tinatamad na magdala ng board sa jam kasi napakalaki at mabigat.
(Sorry, Martin, example na naman kita... Hehehehe...)
Wifey: Ah... Okay. Mas maganda nga kung organized ang gear mo. Pero are you sure one or two pedals na lang ang gusto mo bilhin? Kasi kung may gusto ka pa na iba, baka dapat bigger board na ang kunin mo...
Me:
(Dear Lord, thank you for bringing my wife to my life...)
Hmmmm... You're right, babe. But just to be sure, yung Pedaltrain na pang-4 to 5 pedals ang kukunin ko. Dang, you're the best!