Confirmed na may galis ang tuta namin. Nalagas ang balahibo since weekend dahil sa kakakamot at may sugat na ngayon. Naresetahan na ng gamot ng vet.
Advisable pa rin ba na sa loob ng bahay ang tuta? Natatakot kme na kapag nilabas namin ng bahay mas lalo lumalala ang galis pero mas natatakot kame na mahawa kame. Ano marerecommend nyo? Loob o ilabas ng bahay ang tuta namin?
Mayumi, yun pasig city veterinarian ay medyo masungit. Di masyadong nagsasalita. Binigyan lang kme ng reseta.
Ay ayaw ko sa masungit, baka mamaya saktan yung dog ko suntukin ko siya sa ngala ngala.. charrrr!!! Mahirap lang yung di masalita kasi syempre dapat maicommunicate nya ng maayos ung lagay ng pets etc.
Yung aso namin nuon nagka sarcoptic mange, ung bumabaon ung mites sa balat. pero nasa labas at loob siya ng bahay. Basta dapat malinis yung lugar saka may iniinject sila e pero may period lang na iniinject di pwedeng palagi kasi masama sa liver ng doggie un, nakalimutan ko na yung tawag eh.
Basta dapat daw palakasin yung resistensya saka paliguan lage, keep their surroundings clean, kung ung galis di naman dahil sa sarcoptic mange, ubra ung mga madre de cacao keme, pero pag sarcoptic kelangan mo na pa injectionan., Frontline ata yun or something.
Di naman kayo basta mahahawa sa galis nyan, basta dapat malinis din kayo hahaha at yung surroundings, tas yung mga kama, kubre kama, mga unan dapat laging fresh sheets, kasi ung mites pwede sumuot jan. Kasi kami naman nun di naano. The key is to keep everything clean, saka syempre the pet should undergo treatment din.