Una na, may kanya kanya tayong pamantayan kung ano ang tunay na musika. Maaring yung tunay at maganda para sa atin ay panget para sa iba.
Preference yun ng nakararaming Pinoy, wala tayong magagawa. Hindi naman sa hindi sinusuportahan, kundi hindi lang gusto or may mas gusto. Ilang wave na ba ng so-called smart music ang nagdaan? Hindi rin nagtagal at naging uso/fad pa rin ang turing ng nakararami. Bumabalik pa rin novelty, pop at popular ballad. Bakit? Yun na yata ang default na gusto ng nakararami.
Kung ipipilit nating ipagusto sa masa ang trip nating genre/artists, hollow victory yun. Yung market/target audience ni Cynthia Alexander ay niche. Wala talagang maaasahang kita or 'suporta' galing sa nakararami.
Sana maging lesson to sa mga aspiring artists/musicians who want to make it here. Papasok na kasi dito yung compromise vs. 'musical integrity.' You don't want to compromise your sound and have artistic freedom? Produce it yourself. Have another job that can feed you and finance your artistic freedom.