TATSULOK
Totoy, bilisan mo, bilisan mo ang takbo..
ilagang mga bombang nakatutok sa ulo mo
totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan
at baka tamaan pa, mga balang ligaw...
totoy makinig ka, wag kang mag-pagabi
baka pag kamalan ka't humandusay dyan sa tabi…
totoy alam mo ba, kung ano ang punot dulo
ng di matapos-tapos na kaguluhang ito…
Hindi pulat dilaw, tunay na magkalaban..
ang kulay at tatak ay di syang dahilan
hanga't marami ang lugmok sa kahirapan
at ang hustisya ay para lang sa mayaman...
habang may tatsulok, at sila ang nasa tuktok
di matatapos itong gulo..
iligtas ang hininga ng kay raming mga tao
at ang dating munting bukid ngayoy sementeryo
totoy kumilos ka, baligtarin ang tatsulok
tulad ng dukha na ilagay mo sa tuktok
---'tatsulok' a song originally made by buklod. nakakagulat nung narinig ko to from bamboo. lakas. alam naman natin na may mga mabibigat na isyu sa loob nito na maliit na porsyento lang ng mga mamayan sa bansa ang may ideya. at may mga ilang argumento rin na mejo tagilid sa ibang nakakaintindi. napakalaking responsibilidad para sa bamboo ang alamin kung anong ibig ipahiwatig ng bawat salita sa kantang to. pero nirerespeto ko pa rin ang desisyon nila at kung ano mang adhikain meron sila sa paglabas nila ng ganitong uri ng kanta.