Sir,
Matanong na rin po anung magandang combination of speakers na kayang idrive ng ALTO MAC 2.4 ko po na amplifier. Im planning to set-up two 15" and two 18" subwoofer, then two 12" instrumental midrange, and two horn tweeters.
What would be the suggested good specs/wattage of speakers and amplifiers for these combination?
More power po sa inyong mga professional experts na nakakatulong sa aming mga newbies..
Ang Alto amp po ninyo ay may ganitong power specs:
2 x 575W @ 8 Ohms;
2 x 750W @ 4 Ohms;
2 x 1400W @ 2 Ohms;
1 x 1500W @ 8 Ohms Bridged Mono;
1 x 2500W @ 4 Ohms Bridged Mono;
Ibig sabihin, safe nyang paganahin bawat channel ang mga susunod na pagpipilian:
1. Isang 250w/continuous power (kung may live band) to 400w/continuous power (kung walang live band) na speaker na may 8ohms impedance
2. Dalawang 250w/continuous power (kung may live band) to 300w/continuous power (kung walang live band) na speaker na may 8ohms impedance bawat isa, connected in parallel.
4. (Not encouraged) Apat na 200w/continuous power (kung may live band) to 250w/continuous power (kung walang live band) na speaker na may 8ohms impedance bawat isa, connected in parallel.
Kung sa subwoofer mo sya gagamitin, I suggest mag-bridge mode kayo para madaling mapagana ang 1 or 2 8-0hm subwoofer na may 800w continuous power.
Essentially, it's always a battle of wattage between the speakers and the amplifiers. At dahil parang meron ka na plan kung anong speakers ang kelangan mo, alamin mo sir kung tig-iilang watts (continuous/program/minimum) ang bawat speaker at anong impedance ng bawat ito. Kadalasan 8ohms ang impedance ng nabibiling PA speaker. As much as possible dapat mas malaki ang power ng amplifier keysa sa speaker.
Kung nasa rental business ka sir, mas maigi kung ang base specs mo ay yung pang-live band. Yun nga lang, kung yang amp mo ang gagamitin mo, mahihirapan na po yan magpuno ng tunog ng venue na kasing laki ng basketball court. Kahit po kalahating court medyo mangangamote na ang amp, unless yung event ay walang takaw-power instruments like distorted guitars, bass guitar and acoustic drums.
Sa mga nasalihan ko pong seminars, tinuturo po ng mga experts [sa mga taong kagaya ko na walang technical background on Acoustics] na para sigurado, dapat ang power na kayang ibigay ng amp ay times 1.6 o kaya doble o triple OR quadruple sa continuous power ng speaker. Sabi pa nga po, a well-made (aka branded) speaker can withstand an amp that has 20 times its power. Nung natutunan ko po to, matagal bago ko natanggap na nangangamote pala ang amp na ginagamit ko sa church versus sa speakers namin. Natanggap ko na lang po nung tuluyan nang bumigay ang gamit namin.
Note to our masters: Please feel free to correct me if may mali sa nasulat ko.
PS. Mahaba po ako mag-post kapag nagpapaantok. LOL!