I don't know kung ano naging problema ng effects ko. Pero recently nung ginagamit ko, ang nipis ng tunog. Kanina ko lang talaga tinest kung yung amp ba may prob or yung cable. Tinry ko siya idirekta sa amp pero hindi manipis yung tunog. Full yung sound niya. Tapos pag gamit ko yung effects ang pangit. Ang nipis talaga, parang naka sagad treble at walang bass. Same settings lang gamit ko before ilang years na. Hindi ko alam kelan siya naging ganon. Napansin ko lang talaga bigla. Kasi pag nasa studio lang kami, dun lang ako nakakapag gitara dahil busy din sched ko. So yung manipis yung sound ng gitara ko, sinabi ko agad sa kaband ko na there's something wrong talaga with the sound of my guitar. Pero siguro sa amp lang yung problem. Pero after ilang jam namin sa studio, sabi ko may problem talaga. Sa output kaya yung problem niya? Pahelp naman. Thank you!