Okay guys, alam ko sinabi namin ni ralph na wag gamitin yung mga acidic method like vinegar and ketchup. Well, nag-experimento ako nung weekend. popular method kasi yung lemon plus salt scrub (obviously acidic to ah). gagawin mo may 1/2 lemon ka tapos dip the cut side in salt, sabay shot ng tequila, tapos ikaskas mo sa cymbal mo "going with the grain." ang mangyayari yung acid taga-tunaw ng stains/dirt tapos pang-alalay yung salt as an abrasive.
Sinubukan ko sya sa Stagg Furia 8" splash ko, and behold, ngayon ko lang ulit nakita yung kintab nung cymbal na yun ever since binili ko sya sa music store! pati stick marks nawala. dahil sa acid at abrasive combo talagang tanggal yung mga dumi, plus na-reveal yung layer ng bakal underneath, hindi dahil na scrape away sya tulad ng micro abrasive cleaner, pero dahil siguro nag react na chemically dun sa acid (kaya siguro makintab din).
Sinubukan ko naman sya sa Istanbul Sultan ride ko. yun kasi sobrang dumi talaga nangingitim lagi yung daliri ko pag hinahawakan ko sya, at kahit anong sabon ko sa kanya mapipickup pa rin ng twalya yung dumi. so test with lemon and salt method. wow, grabe parang built-in na libag talaga yung dumi nya! umiiyak ng itim na lemon juice yung cymbal! amazing! tapos binanlawan ko ng tubig para makita yung effect
NAGING KULAY PINK YUNG UNLATHED PORTION!!
apparently yung mga earthy hand hammered unlathed look, puro libag lang pala yun! sa totoo pink talaga yung bakal nya underneath. yung lathed part naman ng cymbal yellow pa rin kulay bronze kaya alam mo na hindi sya basta na-discolor lang ng acid.
nagisisi ba ako? hindi ah, ang kyut na ng Sultan ride ko!
tatanggalan ko pa ng libag mamaya para maging talagang all natural sya (tsaka may beef ako dun sa drum mute stains) will post pics later!