hulika

Author Topic: Usapan Tungkol sa ating mga Sandata[Isang pagpupugay sa ating kinalakihang Wika]  (Read 44018 times)

Offline frkuri

  • Senior Member
  • ***
pagusapan na lang po natin dito ang tungkol sa ating mga sandata,  kung ano pangalan at kung pwede ba itong himasin ng iba :-D



balak ko pong bumili ng de kuryenteng gitara sa darating na buwan ng septyembre, ako po ay isang baguhan o kaya ay intermediate na rin na gitarista, ako po ay hindi kumuha ng kahit na anong lesson, self studied kumbaga kaya konti lang ang aking kaalaman.

pinagpipilian ko po itong gitarna ito ibanez grg170dx at ibanex grg220dex, anu po ba maganda na aking dapat bilhin, medyo maselan po kasi ako sa tunog lalo na po sa tulay (bridge pick up), ang kadalasan ko po tinutugtug ay metal/rock mga ganyan po. hingi lang po ako ng mga advice niyo po. salamat sa inyo at mabuhay po kayo.


« Last Edit: September 24, 2008, 06:40:33 PM by frkuri »

Offline knightburn

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #1 on: August 05, 2008, 10:45:19 AM »
balak ko pong bumili ng de kuryenteng gitara sa darating na buwan ng septyembre, ako po ay isang baguhan o kaya ay intermediate na rin na gitarista, ako po ay hindi kumuha ng kahit na anong lesson, self studied kumbaga kaya konti lang ang aking kaalaman.

pinagpipilian ko po itong gitarna ito ibanez grg170dx at ibanex grg220dex, anu po ba maganda na aking dapat bilhin, medyo maselan po kasi ako sa tunog lalo na po sa tulay (bridge pick up), ang kadalasan ko po tinutugtug ay metal/rock mga ganyan po. hingi lang po ako ng mga advice niyo po. salamat sa inyo at mabuhay po kayo.

Napaka makata mo boi!  :lol: HAHA joke.

You can check out Guitar packages from RJ Music or JB Music. May mga mura silang tig 6K na package. Take note 'din na mas maganda mag invest sa medyo maganda na guitar para sa in the long run, maganda amplifier na lang ang bibilhin mo.

Mag matyag ka at tumingin ng mga kagamitan sa bili at benta (buy and sell) na kategorya sa forum na ito. Marami kang matutuklasan na mga bagay na mas mababa ang halaga kumpara sa mga gitara sa bayan. Mainam 'din na palitan mo ang tulay sa gitara mo kapag may sapat ka na ring salapi.

Mabuhay 'din po kayo!
Psalms 33:3 - Sing unto him a new song; play skilfully with a loud noise.

Ibanez SAS32FM, Washburn Mercury, Ibanez DE7, DOD FX17, MiAudio Crunchbox, Small Clone, Boss RV3, Digitech BadMonkey, Vox 847A, Zoom TriMetal, Fulldrive MOSFET

Offline tagagapo

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #2 on: August 05, 2008, 11:54:10 AM »
Ang aking sagot ay nakakahalintulad sa taas, maari kang tumingin ng mga pangalawang gamit na gitara sa bili at benta sa kategorya ng salitaan na ito.

Kung ikaw ay baguhan pa laman sa sapot gagambang ito ito ang linkahe na pipindotin mo upang makarating sa bili at benta

Pindotin mo dito sa baba
http://talk.philmusic.com/board/index.php/board,167.0.html


Maari kang bumili ng Ibanyes na RG na modelo sa halagang 15,000.00 pababa or pataas.

Maligayang pag hahanap sayo iyo kapatid.  :-)
Uncle Sam kiss my ass!!!

Offline ghostalker

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #3 on: August 05, 2008, 12:39:43 PM »
ang aking mungkahi ayon sa iyong mga nabanggit na produkto ay ang ibanez 170dx

maaaari niyo rin po bisitahin ang mga tindahan ng JB.


God Bless!
Rockin' for Jesus 

Offline frkuri

  • Senior Member
  • ***
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #4 on: August 05, 2008, 01:04:49 PM »
Napaka makata mo boi!  :lol: HAHA joke.

You can check out Guitar packages from RJ Music or JB Music. May mga mura silang tig 6K na package. Take note 'din na mas maganda mag invest sa medyo maganda na guitar para sa in the long run, maganda amplifier na lang ang bibilhin mo.

Mag matyag ka at tumingin ng mga kagamitan sa bili at benta (buy and sell) na kategorya sa forum na ito. Marami kang matutuklasan na mga bagay na mas mababa ang halaga kumpara sa mga gitara sa bayan. Mainam 'din na palitan mo ang tulay sa gitara mo kapag may sapat ka na ring salapi.

Mabuhay 'din po kayo!


maraming salamat sa pagtugon katuto, ikinatuwa ito ng aking puso pansamantala. wala na sa aking opsiyon ang pagtingin sa mga guitar package na nabangit mo sa kadahilanang may ampli na ako at isang murang digital epek.

gusto ko rin sana tumingin sa bili at benta kaya lang ayaw ng aking iniirog, mas magnda rin daw kasi kong ako una makakagamit, parang siya, ako unang nakagamit.



Maari kang bumili ng Ibanyes na RG na modelo sa halagang 15,000.00 pababa or pataas.

Maligayang pag hahanap sayo iyo kapatid.  :-)


mahal kong kaibigan, ang budget sa aking bulsa ay 10-12k lamang, hindi ako makakita ng rg series na kasya sa budget ko kaya sa budget series lang ako.
mabuhay ka.


ang aking mungkahi ayon sa iyong mga nabanggit na produkto ay ang ibanez 170dx

maaaari niyo rin po bisitahin ang mga tindahan ng JB.





mahal kong kaibigan, nasubukan mo na ang gitarang iyan? kamusta ang tunog?
salamat!


Offline tagagapo

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #5 on: August 05, 2008, 01:44:30 PM »
Mahal kung kaibigan, makakakita ka ng RG sa bili at benta section dito sa salitaan (Forum) sigundamano ay mas maganda dahil ito ay subok na ng panahon. ang magagandang bagay ay dumarating sa taong nag hihintay at hindi nag mamadali pag nakita mo sa bili at benta na 14k negosyable pa doon ay maari kang tumawad.

Kung sa opsiyon mo naman ang aking pipiliin ay ibanez grg220dex dahil ito ay may John Lloyd Bulaklak (floyd rose) dahil ang iyong tinutugtug ay bakal at bato makakapag ala isang balot ng damo (dimebag) ka dito at ang desenyo nito ay naayun sa Bakal at Batong bagsakan mo tulad ng palikpik n pating na desenyo sa hawakan :D

Ako ay naka hawak na ng GRG375FM ata un at masasabi ko na siguro ay halos maka parehas lang ito ng tunug ang nasabi kung modelo ay panalo ang tunung hindi nalalayo ang tunung sa RG Modelo ng Ibanez.
« Last Edit: August 05, 2008, 01:47:12 PM by tagagapo »
Uncle Sam kiss my ass!!!

Offline knightburn

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #6 on: August 05, 2008, 02:43:03 PM »
Itong salitaan na ito ay puno ng panalo!!


(This thread is full of win!!)
Psalms 33:3 - Sing unto him a new song; play skilfully with a loud noise.

Ibanez SAS32FM, Washburn Mercury, Ibanez DE7, DOD FX17, MiAudio Crunchbox, Small Clone, Boss RV3, Digitech BadMonkey, Vox 847A, Zoom TriMetal, Fulldrive MOSFET

Offline riffscreamer

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #7 on: August 05, 2008, 05:10:40 PM »
Sa aking pagkakaalam, maaari ka nang makakuha ng seryeng RG ng Ibanez sa halagang naglalaro sa sampu hanggang labindalawang libo. Di mo na kailangan magtiis sa seryeng Gio ng Ibanez.

Offline ghostalker

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #8 on: August 05, 2008, 05:12:36 PM »
kaibigang frkuri, sa mga nabanggit mong modelo, ang ibanez 170dx ang aking nasubukan. Ito ngayon ang ginagamit ng aking kapatid sa pananampalataya na si Romel. Ito rin sana ang aking bibilhin (nasa mahigit siyam na libo ito +Php9k). Ngunit mas hinahanap ako ang mas mataba at mainit na tunog ng bawas pablo (Les Paul)

Tama rin po ang ating kaibigang riffscreamer
God Bless!
Rockin' for Jesus 

Offline riffscreamer

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #9 on: August 05, 2008, 05:18:57 PM »
Ngunit mas hinahanap ako ang mas mataba at mainit na tunog ng bawas pablo (Les Paul)


Ahaha. Bawas Pablo. Ako'y napatawa mo ng tunay, kaibigan.

Offline angeloesteban14

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #10 on: August 05, 2008, 06:23:22 PM »
pag baguhan ka... wag ka mag floyded kasi mahihirapan ka magayos nito.. meron akong grg220dex.. ok naman ang tono. ang 170dx naman.. style strat ung bridge nya.  :-)  ok din ang tone ng 170dx.  :-)

Offline xid02

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #11 on: August 05, 2008, 06:28:44 PM »
magandang gabi sa iyo kaibigang frkuri

doon sa mga de-kuryenteng gitarang iyong nabanggit..

ang aking masasabi ko ay aking nasubukan na ang dalawang gitarang iyon at mas nagustuhan ko ang ibanez220 akin talaga itong nagustuhan sa kadaihilanang ito ay may nakakabit na lumulutang na tulay(floating bridge) at iyo'y ginagamit ko sa mga sisid bomba na tunog (dive bomb) sa aming mga komposisyon.

ngunit subalit at datapwat ang aking nabili ay ang 270bkn na may nakakabit na gitna pulot taas(middle pickup) at mas maraming tunog ang mapapag pilian mo.

maaari kang magpunta o tumawag sa mga sangay(branches) ng audiophile(indi ko matagalog)...

doon maari kang makapili at matesting ang mga gitarang nabanggit mo...

ang masasabing ko ang gitarang nabanggit ay bagay na bagay sa iyong tugtugan,

nawa'y sa hinaharap ikaw ay makapili ng gitarang babagay sayo....


muli magandang gabi.
« Last Edit: August 05, 2008, 06:32:13 PM by xid02 »
tapos mas nagiging wild pa sila kase feeling nila dominant sila na parang "i-wil devour you"

Offline simon_divitico

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #12 on: August 05, 2008, 07:12:33 PM »
ang aking masasabi ko ay aking nasubukan na ang dalawang gitarang iyon at mas nagustuhan ko ang ibanez220 akin talaga itong nagustuhan sa kadaihilanang ito ay may nakakabit na lumulutang na tulay(floating bridge) at iyo'y ginagamit ko sa mga sisid bomba na tunog (dive bomb) sa aming mga komposisyon.

Katoto, ako'y iyong labis na napatawa sa mga katagang ito.

Ako nama'y maghahandog din sa iyo ng mungkahi. Kung ako'y iyong papipiliin sa dalawang iyong nabanggit, aking pipiliin ang GRG170 sa kadahilanang maskapakipakinabang ito (flexible), dahil mayroon itong kalakip na nagiisang "pick up" sa gitna ng katawan nito (Mid Single Coil PU). Di tulad ng GRG220
FS EPIPHONE LESPAUL STANDARD MIK P15K http://talk.philmusic.com/index.php?topic=297667.0

Offline tagagapo

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #13 on: August 05, 2008, 07:16:28 PM »
Kapatid maganda balita may natagpuaan ako sa bili at benta dito sa salitaan

pindotin mo ang link na ito
http://talk.philmusic.com/board/index.php/topic,103521.msg1423080/topicseen.html#msg1423080

Yung benebenta ni progDEATH_666 Ibanez RG270 ito ang kanyan telepono numero 09235587802  madali 12 na libo lang saktong-sakto sa iyong salapi.

ito ang kanyan larawan

« Last Edit: August 05, 2008, 07:17:53 PM by tagagapo »
Uncle Sam kiss my ass!!!

Offline frkuri

  • Senior Member
  • ***
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #14 on: August 05, 2008, 08:41:23 PM »
magandang gabi mga katuto ko, akoy nagagalak at may mga taong katulad niyo dito sa mundong ibabaw. salamat sa pagtugon.

sa mga tumulong na at humanap pa sa bili at benta, salamat talaga, pero gaya nga ng aking sinasabi sa buwan pa ng setyembre darating ang aking pera.

bale sa aking tally, mas marami ang nagsasabi na mas sigurado ang grg220dex kesa grg170dx.

pero ang sa aking pagkakaalam matrabaho daw pag ang gitara mo ay may lumulutang na tulay, tsaka wala pa naman sa mga tinutugtug ko ang ala sisid bomba.

unang opsiyon ko pa rin ang 170dx sa kadahilanang marami ako nakikita na magagandang review sa sapot (web), ang grg220 kasi ay konti lang ang aking nakikita, pero kong may magtuturo pano gamitin ang grg220 lalo na yung lumulutang na tulay baka ito ang aking mapusuhan.

magtatanong na ako ng presyo sa audiophile.

maraming salamat mga katuto. mabuhay kayo.


Offline inot1105

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #15 on: August 05, 2008, 08:48:00 PM »
hahahahaha  :lol:

nakaka-bigay ng lubos na kagalakan ang inyong mga kasagutan mga katoto.

at ang aking mungkahi sa nagtatanong na baguhang gitarista ay ang
GRG170
maaaring palitan ang mga mikroponong pangkwerdas nito, kapag mayroon na
siyang sapat na salapi.
At hindi pa gaanong mako-komplika sa tremolya.

magandang araw at mabuhay kayo!
mabuhay ang philmusik!
 :-)
1 Corinthians 3:19
For the wisdom of this world is foolishness with God. For it is written, “He catches the wise in their own craftiness”;

Offline xid02

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #16 on: August 05, 2008, 09:04:32 PM »
magandang gabi mga katuto ko, akoy nagagalak at may mga taong katulad niyo dito sa mundong ibabaw. salamat sa pagtugon.

sa mga tumulong na at humanap pa sa bili at benta, salamat talaga, pero gaya nga ng aking sinasabi sa buwan pa ng setyembre darating ang aking pera.

bale sa aking tally, mas marami ang nagsasabi na mas sigurado ang grg220dex kesa grg170dx.

pero ang sa aking pagkakaalam matrabaho daw pag ang gitara mo ay may lumulutang na tulay, tsaka wala pa naman sa mga tinutugtug ko ang ala sisid bomba.

unang opsiyon ko pa rin ang 170dx sa kadahilanang marami ako nakikita na magagandang review sa sapot (web), ang grg220 kasi ay konti lang ang aking nakikita, pero kong may magtuturo pano gamitin ang grg220 lalo na yung lumulutang na tulay baka ito ang aking mapusuhan.

magtatanong na ako ng presyo sa audiophile.

maraming salamat mga katuto. mabuhay kayo.



walang anuman(NP) kaibigan...

kami naririto para magbigay ng suhestyon,kongklusyon, opinyon at kung ano ano pang -yon...

ang pag gamit ng lumulutang na tulay(floating bridge) ay pwede mong halughugin sa ikawtubo(youtube.com) o sa sapot(web)

madali lamang itong matutunan...

ako talaga ay nagagalak sa hiblang(thread) ito..

mabuhay!
tapos mas nagiging wild pa sila kase feeling nila dominant sila na parang "i-wil devour you"

Offline masterchoxter

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #17 on: August 05, 2008, 09:09:19 PM »
mabuhay kayo mga kapatid sa musika! nakakatuwa at nagagamit ng maayos ang ating inang wika sa sinulid (thread) na ito... :)

balik sa pinaguusapan:

mas mainam kung ika'y bibili na lamang ng RG kaysa GRG.... ito'y aking dalawang sentimo lamang... :)
[

Offline inverted_hate

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #18 on: August 06, 2008, 02:58:51 AM »
isang payo lang kapatid  huwag kakalimutan sasaksakan (amp) ng magiging dekuryente mong gitara

Offline riffscreamer

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #19 on: August 06, 2008, 08:52:38 AM »
Huwag ka na magseryeng Gio aking kapatid. Ang seryeng Gio ay ang mga modelo ng Ibanez na may letrang g sa umpisa. Ito ay maaaring ituring na sangay ng Ibanez para sa mga mababang badyet. Halimbawa ang GRG220. Sa halip ay iyong kunin ay ang seryeng RG ng Ibanez. Ito naman ay aking mungkahi/suhestiyon lamang.

Offline xid02

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #20 on: August 06, 2008, 04:35:08 PM »
Huwag ka na magseryeng Gio aking kapatid. Ang seryeng Gio ay ang mga modelo ng Ibanez na may letrang g sa umpisa. Ito ay maaaring ituring na sangay ng Ibanez para sa mga mababang badyet. Halimbawa ang GRG220. Sa halip ay iyong kunin ay ang seryeng RG ng Ibanez. Ito naman ay aking mungkahi/suhestiyon lamang.


kapatid tama ang iyong nasabi.... ang RG ng ibanez ngayon ay mas magaan sa bulsa... hindi tulad noong mga nakaraang taon... sa presyo dati ng GIO may RG ka na sa iyong kamay...

sa nagsimula ng hibla(TS)...

ang patnubay ng Diyos ay sumaiyo(God bless you) sa pag hahanap..


ako talagay nagagalak sa pagsagot sa HIBLANG ito!
tapos mas nagiging wild pa sila kase feeling nila dominant sila na parang "i-wil devour you"

Offline vinz

  • Board Moderator
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #21 on: August 06, 2008, 05:32:28 PM »
balak ko pong bumili ng de kuryenteng gitara sa darating na buwan ng septyembre, ako po ay isang baguhan o kaya ay intermediate na rin na gitarista, ako po ay hindi kumuha ng kahit na anong lesson, self studied kumbaga kaya konti lang ang aking kaalaman.

pinagpipilian ko po itong gitarna ito ibanez grg170dx at ibanex grg220dex, anu po ba maganda na aking dapat bilhin, medyo maselan po kasi ako sa tunog lalo na po sa tulay (bridge pick up), ang kadalasan ko po tinutugtug ay metal/rock mga ganyan po. hingi lang po ako ng mga advice niyo po. salamat sa inyo at mabuhay po kayo.




mapapayo ko lang kaibigan magingat ka sa de kuryenteng gitara na bibilhin mo baka madale ka at makuryente ingat sa pagpili kung Dalawandaan at dalawampung Boltahe (220v) o Isandaan at dalawampung boltahe (120v) ang iyong mabili...siguraduhing ikaw ay ligtas wag kalimutang magtsinelas at wag hahawakan ang saksakan baka manginig ka:-D

hehehe seryoso na...marami sa guitar classifieds...baka yung budget mong pang GIO baka makabili ka pa ng 2nd hand na RG na IBANEZ...goodluck kapatid :-D

Offline angeloesteban14

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #22 on: August 06, 2008, 07:15:30 PM »


grg220dex.  :-)

Offline frkuri

  • Senior Member
  • ***
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #23 on: August 06, 2008, 08:06:11 PM »
magandang gabi mga katuto, ipagpaumanhin niyo at akoy hindi gaanong napapaharap sa harapan ng kompyuter. ngunit ngayon akoy nakaharap na, pasasalamatan ko kayong muli sa pagtugon.

isang payo lang kapatid  huwag kakalimutan sasaksakan (amp) ng magiging dekuryente mong gitara

mayroon na akong amplipayer katuto, dito ko na rin nabili mismo sa bili at benta, ito ay ang inaalagaan kong ihi bubuyog transtube 158 (peavey).

Huwag ka na magseryeng Gio aking kapatid. Ang seryeng Gio ay ang mga modelo ng Ibanez na may letrang g sa umpisa. Ito ay maaaring ituring na sangay ng Ibanez para sa mga mababang badyet. Halimbawa ang GRG220. Sa halip ay iyong kunin ay ang seryeng RG ng Ibanez. Ito naman ay aking mungkahi/suhestiyon lamang.

katuto salamat sa iyong suhestiyon, ngunit ang budget ko ay pang gio lang talaga, gusto kasi ng aking ate ay bago ang aking bibilhin dahil sa kanya ang pera.

siya nga pala nakapagtanong na ako sa audiophile at ang mga nabanggit kong de kuryenteng gitara ay naglalaro lamang sa halagang 10-12 libong piso. napusuhan ko na ang grg220. tama na po ba iyon?

OT: ipagdasal po natin ang mga pilipinong lalahok sa olimpiyada, salamat.

Offline tronixx42

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: patulong naman ako mga kuya, bibili ako ng gitara...
« Reply #24 on: August 06, 2008, 08:15:24 PM »
Napaka yabong ng usapin dito :lol: