eto! makakarelate ang mga oldies natin dito.
binigay sakin yan ng pinsan ko. pinaglumaan nya kasi nkabili na sya ng boss pedals.
multi effects, wala e. di ko afford yan noon. mahal. di kame kakain ng kapatid at nanay ko pag bumili ako ng 707 o 606 sa loob ng isang buwan
kung itatanong mo din kung pano ako nagkaroon ng electric, nung bata pa ako at nagsisimula palang mamulat sa pag gigitara, may adik na tambay samin lagi. Kung alam nyo ung bandang Mudfish noong 90's. ung nagrevive ng Mr Dj ni Sharon, ginawang rock n roll, sa kanya galing ung gitara ko at sya din ang mentor ko. Raon strat. Binigay nya. Wag ko daw pabayaan na kainin ng hip hop ang rock and roll.