Noob Question time: I'm thinking about getting a crybaby to add to my chain since im moving away from multi's. Sobra ba talaga ang "Tone Suck" ng GCB95? considering that my chain consists of: Guitar>Pitch Black>EP Booster>DLS MKiii>Flashback>Wet Stereo Reverb>RC3>Amp? Salamat Sirs!
Dunlop GCB95? Yung original wah na buffered bypass? Binenta ko yang ganyan ko dati, 1 week after ko siyang binili. Ang set up ko ganito:
Guitar - > Wah -> DS-2 Distortion -> Flashback X4 Delay -> Amp
Di ko alam kung eto ba exactly yung "tone suck" na sinasabi, pero nung ginamit ko na siya ng tuloy tuloy at napapansin ko na yung pagbabago sa tunog, sobrang numipis yung tunog ng gitara ko. Sobrang nipis talaga ang sakit na sa tenga, talagang napilitan akong babaan yung volume at treble at mid, at given na rin na bright ang tunog ng stratocaster, pero humbuckers na ako nun na may pagkabright din, tapos halos ganun pa rin kahit yung wah ay nakababa o naka-off na dahil nga siguro buffered bypass siya. Tip ko lang sayo sir based on my experience, medyo risky bumili ng GCB95. Nung binili ko kasi yun di ko alam yung mga tone suck na yun, nagulat nalang ako nung napansin ko na. Siguro kung bibili ka ng wah, piliin mo nalang yung true bypass na para di mo maranasan yung nangyari sa akin, pero di naman 100% na ganun din yung mangyayari sayo sir pero tingin ko malaki rin ang tyansa na ganun din ang maexperience mo. Maganda naman talaga yung GCB-95 sa totoo lang, nagustuhan ko rin yun, ang problema lang talaga ay naging sobrang nipis ng signal ng gitara ko na tinanggal ko nalang yung wah sa setup ko. Isa pa palang problema sir, nung nirereview ko yung tunog ng GCB-95 sa youtube, di ko napapansin yung numinipis yung tunog, kaya akala ko wala namang magbabago. Kaya lang ayun, nung binili at ginamit ko na.
EDIT: Nakalimutan ko palang sabihin sir, isa pang option kung bibili ka ng GCB-95 ay ipa-"mod" mo siya at gawing true bypass(?) para mawala na yung ganung epekto ng pedal. Ako kasi nun, di ko na pinagkaabalahan pang ipa-mod yung wah ko kasi hassle lang para sa akin, kaya binenta ko nalang agad agad para parang brand new pa rin, same price. Tapos nagbalak ako noon bumili ng CAE Wah na true bypass, pero nakansel na rin, nag multieffect nalang ako para di magastos.