What's wrong? humihina naba pandinig mo? nagcause ba ng buzzing sound na parang sa vertigo?
may Tinnitus kasi ako naiisip ko tuloy baka dahil din sa pagdadrums...sorry sa OT
BTT, I have a pearl target (hindi jr), and having a hard time tuning 12 and 13 toms.. siguro dahil di ko makuha yung gusto kong tunog na malalim na mataas.. baka dahil 10" dapat ang bagay sa pandinig ko.. any advise kung pano easy approach sa pag tune.. Gusto ko sanang tunog hindi masyadong ma ugong pero malutong na mejo high
Wala na kong pandinig sa Left Ear ko sir. Isang tenga na lang nagfa-function saken. Right Ear ko. Tas may hearing aid pa ko dun sa Right Ear. Ang left ear ko ngayon, kumbaga sa TV, naka mute, zero volume, patay. Nangyari lang last May 2015. I had surgery last August of the same year pero hindi rin na-isalba talaga. Nakarinig naman kahit pano. Pero kung ire-rate naten ng 1 lowest to 10 highest, nasa 0.5 lang ang naririnig ko. Hassle sobra pag naka earphones, sa Right Ear lang ako nakakarinig. Hindi ko tuloy ma-enjoy yung mga Stereo setting na recordings.
What's wrong?
-Ayan sir napaliwanag ko na.
Humina ba pandinig ko?
-Wala na ko pandinig sir.
Nag cause ba ng buzzing parang vertigo?
-Sir alam ko yung vertigo pero hindi ko pa kasi nararanasan yon. But yes, may mga annoying buzzing akong naririnig noon sa left ear ko. Hindi lang minsan, madalas.
BTT:
Hindi ko lang alam sir ah, pero hirap rin kasi talaga ko itono yung 12''. Nung nagsisimula pa lang ako mag drums, 12'' at 13'' mga rack toms ko. Ang hirap sobra itono. Pero nung medyo nagkabudget at nagka isip na, bumili nako ng fusion sized drums. 10'' tom. Mas gusto ko tunog. Di ako perfect magtono pero nameet ng 10'' ang gusto kong ugong.
As far as I can remember sa tip ni Vic Mercado(Bamboo) saken, ma-ugong daw talaga mga Maple shells sa toms. Yun ang gusto niya tas sabayan pa ng Remo Pinstripe na batter head. Ewan ko lang rin kung tama ako ha, pero maugong ata pag high tuning sa batter tas medium tuning sa resonant eh.