Share ko lang sa inyo guys about my experience , which is kinda unusual at the same time muntik na akong mawalan ng trabaho dahil sa incident na ito.
I’m using 2 antivirus in my PC which is Avira and Bit Defender,which is in my opinion it really works well,dahil kung hindi madetect nung isa,yung other antivirus ang nakakadetect. But for some reason tinamaan pa rin ng new type of trojan virus ang PC ko,na naging dahilan ng pagcrash ng PC ko. And for some reason hindi siya nadedetect nung Avira but everytime na dindeep scan ko siya ng Bit Defender, dun siya na detect but the problem is ang nakalagay “no possible action taken” and the worst thing is everytime na nirurun ko ang deep scan ng Bit Defender nawawala lahat ng nasa desktop ko pati ang “cursor” so the only possible way to restore is to restore manually. But siyempre hindi mo malocate din kung san nagtatago yung “virus” para idelete ko ng manually. Sa madali’t salita nagmalfunction na rin yung Bit Defender na antivirus ko,kaya tinanggal ko siya sa program para reinstall ko uli pero for some reason hindi ko na uli ma reinstall yung software dahil may error daw. Dahil namumurublema ako sa PC ko besides 3 buwan pa lang sa akin ito. Kaya nung pumasok ako sa office (Call Center),during ng idle time na walang calls at nakabreak pa ako,walang bakante sa area ng pwede kang magbrowse ng hindi job related,so tnry ko magbrowse sa workstation ko although bawal (which gawain na namin pagwalang ginagawa lalo na pag walang calls) so I visited 2 antivirus website which is Avira and Bit Defender. Not being aware of nagkakagulo na pala yung mga IT namin sa US at dito sa Makati na may nadetect yung system na nagdodownload ng malicious software and to be specific new breed of “Trojan Virus” and na trace nila sa Station ko and ang specific na website ng pinanggalingan is “Bit Defender” sa madali’t salita iniscan nila yung station ko and positive of Trojan Virus. For 3 days para akong bibitayin dahil ang unang hatol sa akin is for termination,dahil mahigpit na pinagbabawal sa amin ang pagdownload ng virus sa system namin,which is I’m not aware na nagdownload na pala siya ng kusa sa site na iyon at the same time since it is supposedly “Antivirus Website” Who will expect na may virus sa website na iyon. Buti na lang nagawan ng paraan ng Boss/TL ko na pababain ang kaso ko,dahil Bad trip yung mga higher Bosses namin sa US.
So for now, my big lesson is never again to browse any unrelated job websites especially to my workstation. Maginternet na lang sa designated area or kung meron sa bahay, matutong makuntento. And at the same time, if its an “Antivirus Website” It doesn’t mean that it is a virus free sites. Sabi nga ng ka office mate at nung prof ko nun sa computer, sa kanila rin galing yung mga virus,dahil sila rin ang nagproprovide ng antidote sa PC virus. dun sila kumikita ng malaki. Which make sense:?