malakas lang palo mo sa myra kaya kahit ano ipalit mo sa kanya, malakas din yung lalabas.
+1 dito. Pareho kami ni Pao na nagrerecord, at pareho kami ng observation. Kahit 12 inch recording hat or 13 inch na K dark ay malakas kung malakas ang palo. Alalay na lang sa hats and extra mindful na lang sa pagkasolid ng snare drum.
Kung sa tanong mo naman, observation ko ay mas manipis ang register sa recording ng mga B8 hats (e.g., Sabian B8, Paiste Alpha) kaysa sa anong B20 cymbal. For your budget, kasya ang mga B8. Kung sa B20 cymbals, anything na mas manipis kaysa Myra series, ok sya. Yung pinakamanipis na makita mo, good yun.