isa ako sa mga taong kahit anung dami ng kain (minsan exag ako sa dami kumain), hindi talaga tumataba ng kung pano tumaba ung ibang tao ng piranggot na kain lang. pero since then may ginagawa ako pano ko slowly nagpapalaki (in the process pa din, pero payat pa din ang itsura ko dahil 6 footer ako), in a healthy way, if i may say.
nung 18 yrs old ako, 110 lbs lang ako nun, around 5'10" siguro ako nun. wala, normal pasok sa school at uwi, normal na kain lang ako nun. pag graduate ko ng college nung 21 na ako, umabot ako ng 120 nun dahil siguro sa nadagdagan ung bone structure ko pero dun na tumigil ung height ko. nagkaron ako ng free time mag gym. naisip ko na nun baka bad idea mag gym kse nga payat ako baka maging magmukang bato ako at hindi maganda tingnan. pero tinuloy ko pa din.
for four months, slowly nag increase ung stamina ko (na naging point guard ako pag naglalaro ng basketball kahit ako ung pinakamatangkad kse sobrang sumipag ako tumakbo nun) habang tumodong dami na ung reps ko, medyo kumorte and at the same time nagkataba at muscle ung torso and limbs ko and lumapad ng konti ung balikat ko. pahapyaw din ako umiinom ng protein drinks at kung kumain ako, sobrang dumami talaga. in a span of four months, ambilis ko na-gain ung 20 lbs and napansin tlga ng barkada ko na kahit payat pa din ako tingnan, lumaki ako kahit papano (medyo mahirap tlga magpalaki pag matangkad ka). sayang natigil lang ako nun sa gym kse nagkaron ako ng bagong gf nun then shortly, my first ever job.
so ilang taon na nakalipas at hindi talaga umalis sa 140lbs ung timbang ko. aangat o bababa ng konti pero babalik at babalik sa 140, kahit gano pa kadami o kakonti kinain ko, kahit gano pa ko kapagod o puyat. then recently, niadvise-an ako ng close friend and officemate ko na mag sustagen premium araw araw. yep, designed for aged people un, pero kse ung composition nun, protein + so much other nutrients (compared to megamass drinks na mostly protein lang). so nagstart ako early last month. one glass (around 4-5 teaspoonfull ng sustagen premium + milk) every night, then buhat konti sa bahay since may pair of dumbells ako dun, and stretching for 1 hour a day (sa ngayon, soon tatagalan ko kada session ko). gnun lang consistenly, kung magmimiss out man ako ng araw, isang araw lang pero once pa lang ata ako nagmissout. since then, i already gained 10 lbs and trying to gain more. and hindi lang yun, nababawi ko na ung dati kong stamina, medyo tumitibay na nman ako sa puyatan (nagiging madali na sa akin ang 5 hours of sleep pag napuyat) ng buhay na buhay ako the next day, hindi na ko "boy singhot" ng sipon sa umaga, and generally, feeling ko mas malakas ako ngayon kesa a few months before.
so ayun try nyo mga parekoy, sustagen premium (or any other protein drink) + milk, exercise and konting body building every day. baka din makatulong - i take multivitamins (enervon) + ascorbic acid (rhea) one each a day. i almost never miss my vitamins. ung diet ko medyo controlled ng konti (konting konti lang nman hehehe) pero pag weekends, walang pakelamanan pa din hehehe.
EDIT: onga pala, isang CON pala dito sa sustagen premium + milk e pag vocalist ka. pag may plema ka na sa lalamunan, nakakakapal ng plema ang dairy products.