Mga dude share ko lang story ko...
Last Wednesday (libing ni Tita Cory) nag grocery kami sa SM Taytay. Kumain kami sa Red Ribbon (near Lazer Shop). At sa kakahintay sa order namin, tumingin ako sa Lazer.
Nakita ko yung Wuhan china 8" na worth 650.00 lang.. So I was thinking during that time na .... pwede na siguro to ipa-palo sa baby ko (who is 3 years old) masira man... 650 lang.. atleast ito nalang masira kesa yung 12" K Splash.
So pinalo ko ng konti (wala lang!) then binili ko na..
Pag uwi ko, linagay ko sa ibabaw ng Crash then pinaluan ko..
AMP TRASHY!!
Parang CHINA ang effect!! Ang gandang pang sundot! ayun tinago ko na hindi ko na pinapapalo sa baby ko!
Down side is, manipis at sa tingin ko madaling ma deform sya. pero WOW men ang tunog!! I am planning to get the 10" which cost 950.00 ata. hehehe..
Moral of the story is... nag iiba talaga ang tunog ng cymbals or set dipende sa lugar.. Bili na kayo... Wuhan 8" china 650 pesos lang!! hehehe...