TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

Anything Goes => Kalusugan, Kakisigan at Kaayusan => Topic started by: musikanitwist on April 02, 2008, 09:07:06 PM

Title: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: musikanitwist on April 02, 2008, 09:07:06 PM
sa totoo lang, matabang tao ako haha. 240 pounds na yata ako at 5'2" which means sobrang taba ko talaga. i have attempted to lose weight a million times by now pero dahil mage-18 na ako sa september, naisip ko ngayon na is the right time na gawin ko na talaga. ang pinakamahirap para sakin ay tumigil sa pagkain ng matataba at mag-eat healthy, kasi ang hilig ko talaga ay burgers, chocolates, mr kabab, sisig at kung ano ano pa na nakakapagpataba.. nagpatingin ako sa dietician at grabe ang binigay niyang diet sakin, 1000 calories a day. para akong mamamatay. at hindi din daw ako pwede magexercise sa ngayon kasi madudurog tuhod ko..etc. after 50lbs pa daw. hehe

sa pagiging mataba, madaming kasama na kung ano ano like pampasikip ka sa jeep, sa tricycle, sa fx, sa van, di makabili/hiram ng damit, di makatakbo, di magkasya sa pinto(wag naman sana ako umabot dito) at siyempre pangangantsaw ng tao. hehe pero masarap kumain eh.(nakakainis lang yung mga payat na kahit anong kain di tumataba.)

on with the topic..

ano ba ang perks ng payat?
(payat ako noon [120 lbs] at ang pinakaenjoy ko ay shopping at gaan ng pakiramdam)

sa mga nagpapapayat, ano ang reasons niyo?

(gusto ko sabihin na nagpapapayat ako dahil gusto ko maging healthy pero hindi eh hahah)
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: Tasty on April 02, 2008, 09:56:57 PM
Your dietitian probably only equates exercise with jogging. There are alternatives. Stationary bikes for example don't require you to carry your body weight, therefore eliminating the risk of knee injuries.

As for the perks of being thin, I suggest that you focus on the perks of being fit instead:

1. a generally stronger body
2. increased metabolic rate so you can eat properly (with the occasional junk food) without getting fat
3. increased resistance to sicknesses
4. stronger heart
5. more clothing options
6. increased self-confidence (for some people)

There are more but I think you get the idea. :-)

Anyway, I used to be fat. When I got tired of it, I decided to undergo a crash diet for one whole year, which did the trick but made me unable to keep the weight down since I killed my metabolism in the process.

So I decided to focus on being more active. I started playing basketball regularly, swimming, working out, etc. I just kept switching to different things when I started to lose interest in one particular activity.

But now since I'm too busy to do all these things, I just go to the gym three times a week. As I've mentioned in my other posts, increased lean muscle mass = increased resting metabolic rate (i.e. you burn calories even while you're sleeping). Cardio burns fat and makes your heart stronger.

These two elements coupled with a proper diet (i.e. proper quantity, more good food, less junk) = a fitter you. :wink:
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: tops_in_saucers on April 03, 2008, 09:28:35 PM
ako ang problema ko magpataba eh.. 16 yrs. old na ako ang payat ko grabe.. less than 100 pounds nga lang ata ako eh.. ewan ko ba.. mas mabigat pa maliit kong kapatid sakin eh.. malakas ako kumain.. bakit kaya ganto?
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: musikanitwist on April 05, 2008, 06:07:24 PM
ako ang problema ko magpataba eh.. 16 yrs. old na ako ang payat ko grabe.. less than 100 pounds nga lang ata ako eh.. ewan ko ba.. mas mabigat pa maliit kong kapatid sakin eh.. malakas ako kumain.. bakit kaya ganto?

baka genetic :)
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: marzi on April 05, 2008, 07:49:13 PM
di ako nagpapapayat...nag eexercise ako to stay healthy...
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: tops_in_saucers on April 06, 2008, 12:22:23 AM
baka genetic :)
pag nasa genes ba wala na akong magagawa?
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: powerchord41 on April 06, 2008, 02:25:21 AM
ako naman payat ako sa unang tingin pero natatago ko kasi sa damit ko yung taba ko... ang lumalaki kasi sa akin eh tiyan... hindi naman ako nagpapapayat ngayon pero nag tatry ako maging healthy...

dati mataba ako as in... kasi i used to have this really bad asthma tapos yung gamot ko is part steroids... so ambilis ko lumaki pero after some time i didn't need those meds... anyway...

2 months palang ako nag diet tapos usually everyday i just walk and check my pedometer tapos when i reach around 8000-10,000 steps i stop... then i eat apple palagi and drink juice tapos ang merienda ko eh prutas or oatmeal... ambilis lumiit ng tiyan ko sa lagay na ito hindi pa ako nagsisitups... nabasa ko kasi mabilis magpapayat ang apple... so yun in my case ayos naman...

tapos to answer your question... bale nagpapaliit lang ako ng tiyan and i want to stay healthy kasi ambilis ko mapagod... kasi sa trabaho ko hindi naman ako active... i just sit all day and do a little stuff here and there in front of my pc... kaya ito i changed my lifestyle... and ang laki ng naitiulong nito sa creative juice ko...  :-)
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: tops_in_saucers on April 06, 2008, 12:59:28 PM
pag nasa genes na ba ang pagiging payat wala na akong magagawa??  :? :? :?
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: alvin_11 on April 06, 2008, 07:41:27 PM
FYI: 220 pounds ako! (yan ha, diretso na ako sa kanto) gusto ko pumayat dahil pagod na pagod na ako sa panunukso ng mga kaklase ko, taena eh pag may sinasabing pig eh sa akin lahat nakatingin amputa. sawang sawa na rin ako na pinagtatawanan ako ng mga sales clerk sa bench kapag sasabihin ko na "miss, pahingi ngang Dobol X and 52" na pants. trip ko na din maka iskor sa mga chicks. ayun. 200 nalang ako ngayun papapayat pa ako hanggang maging 150 nalang
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: kaloyster on April 06, 2008, 09:50:10 PM
Ako dati tisiko ako high school days. Panay ang hiling ko na sana tumaba ako. Ngayong tumaba ako (pero banayad na pagtaba lang), gusto ko nang pumayat kasi ansagwa ng tyan ko parang tambay na lasenggo! :D
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: badongrodrigs on April 07, 2008, 12:11:20 AM
we don't exercise naman para magpapayat (at least, i don't)

i exercise to keep my body fit, kasi that's how i want it.
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: musikanitwist on April 07, 2008, 01:28:28 PM
pag nasa genes ba wala na akong magagawa?

meron naman siguro pero kasi dami akong kilala na pamilyang payat kahit anong kain payat talaga.. try mo mag gym.
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: tops_in_saucers on April 07, 2008, 02:05:13 PM
meron naman siguro pero kasi dami akong kilala na pamilyang payat kahit anong kain payat talaga.. try mo mag gym.
ahh.. thanks.. hindi ko naman gustong mataba.. pero ayaw ko ng patay ako eh.. gusto ko ung tama lng..
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: DaysNumbered on April 08, 2008, 03:09:29 AM
Quote
sisig

ayun yun eh! :-D
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: Helmet on April 08, 2008, 07:41:44 AM
Advantage ng mataba: Di madaling matinag sa islaman
Disadvantage: Madali kang mapagod pag nag islaman
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: slaphappy on April 09, 2008, 11:16:15 PM
we have heart problems in my family, i was told by the doctors to keep fit for a longer life :D

Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: sidangelo on April 10, 2008, 10:35:20 PM
ako dati,180 ako,tapos napababa ko ng 135.badminton lang at diet, pinagalitan ako ng nanay ko,kaya kumain ako ng madami compared sa before,nging 150 nako.tapos naun,doon nlng nglalaro ung timbang ko.heheheh
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: bianxraquel on April 11, 2008, 08:29:54 AM
given na yung pag pumayat ka within the normal range, is to stay healthy.

ako? pfft.

gusto ko sana papayat kaso malabo. katamaran. baket kelangan? mas ligawin ang mga payat at sexy kesa sa chubby o matataba. bow.
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: kyle travers on April 19, 2008, 12:56:00 PM
 :-DMy reason is: para maganda fit ng mga clothes ko and to look good when ever i play...

and sa girls, ok lang yung medyo may laman ng konte, sa totoo lang mas type ko yung may laman ng konte kesa sa payat na anorexic yug dating ( tama b spell) so ayun...
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: Viel on April 26, 2008, 11:18:58 PM
kayang kaya mo yan bro!

basta tuwing pag gising mo mag unat ka.

tapos mag situps ka kahit start ka from 20 situps/crunches or less tas habang tumatagal increase mo na lang. same goes with push ups. try 5 manly pushups tas habang tumagal damihan mo na lang din. tsaka mag JUMP ROPE ka at HOOOLA HOOP! hehehehe nakakapayat talaga.
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: bianxraquel on April 26, 2008, 11:51:27 PM
para kasya lahat ng trip mong damit at di mo na kelangang maghanap pa ng larger size!

Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: dime001 on April 27, 2008, 01:36:40 AM
malakas akong kumain pero di talaga kaya Payatot talaga ako hahaha.... wala nman akong bulate sa tyan hehehe

 :-D
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: tops_in_saucers on April 27, 2008, 12:22:29 PM
kayang kaya mo yan bro!

basta tuwing pag gising mo mag unat ka.

tapos mag situps ka kahit start ka from 20 situps/crunches or less tas habang tumatagal increase mo na lang. same goes with push ups. try 5 manly pushups tas habang tumagal damihan mo na lang din. tsaka mag JUMP ROPE ka at HOOOLA HOOP! hehehehe nakakapayat talaga.
nakakapandak ba pag nag wweights?
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: Viel on April 27, 2008, 12:32:59 PM
nakakapandak ba pag nag wweights?

sir wala naman po atang nagpapapandak sa tao eh. hindi lang siguro tatangkad. 18  pa ang age para mag weights eh. pero kung matangkad ka na, pwede na siguro yan. yun lang naman kasi ayaw pag magweights eh, ang hindi tumangkad.
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: tops_in_saucers on April 27, 2008, 05:50:25 PM
sir wala naman po atang nagpapapandak sa tao eh. hindi lang siguro tatangkad. 18  pa ang age para mag weights eh. pero kung matangkad ka na, pwede na siguro yan. yun lang naman kasi ayaw pag magweights eh, ang hindi tumangkad.
hahaha.. oo nga.. i mean ung hindi pala nakakapagpatangkad.. haha.. kasi ako 16 yrs. old na ang payat payat ko ang lakas lakas ko namang kumain.. tapos ang liit ko pa.. 5'3 lang ako.
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: eunice_sexy on June 26, 2008, 08:19:32 PM
rison kung bakit ako nagpapapayat?
...nung 1st yr hyskul ako 60kg, 155cm ako! nagcmula akong magdiet nung malapit na akong magdebut kasi ang theme ng debut ko hawaian, aun ngaun 51kg, 156cm   na ako at minementain ko nlng un!
...mas ok kasi ligawin ng boys! hehe'
...maraming nagkakasyang damit.
...hindi na q maxadong alangan sa kapatid ko, dati kasi pagmagkasama kami muka kaming 10...ako ung 0 at siya ung 1!!! ahahahahaha'
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: jem_adriano on July 02, 2008, 08:33:21 PM
nung una gusto ko magpapayat..pero i found when i get into fights,imbes na daanin sa suntukan i could pickup a person,or swing them hard on a wall..kaya naisip ko din hmmm maybe i should keep this kind of body..pero ngayon chubby nalang inde na sobrang taba...at least i lost weight hehehehe pero im thinkin of getting into bodybuilding para increased strength pa! :-D
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: santelmo on July 04, 2008, 12:35:07 AM
meron kasi ako back problem (slip disc) kaya pinag bawalan ako mag gym ng mga doctors ko. pero naging mapilit ako at nag gym parin, dun ko na realize na mas lalo pala sasakit likod ko...mas lalaki gastos ko dahil PT ako ng PT...

kaya eto..diet na lang...walking stick na ako dati., mejo tumaba na lang lately...  :mrgreen:
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: Deadwing on August 22, 2008, 03:32:04 AM
Ang taong sobra ang timbang base sa height/weight proportion, malaki ang pagkakataon na ma-diagnose siya ng Type 2 diabetes and cardiovascular disease ng kanilang duktor.  Diabetes could lead to blood clots that block the blood vessels that flow to the brain (thus causing strokes) or to the arms or legs.  If oxygenated blood won't pump through the arms and legs, they rot because of the blockage.  Pwedeng ma-amputate ang mga lower limbs kung hindi sapat ang blood circulation.

Obesity and diabetes in developing countries:
http://content.nejm.org/cgi/content/full/356/3/213 (http://content.nejm.org/cgi/content/full/356/3/213)

Panoorin niyo na lang yung segment ng Probe Team tungkol sa diabetes:
http://www.probetv.com/view_video.php?viewkey=f871b6d7215b868a875f (http://www.probetv.com/view_video.php?viewkey=f871b6d7215b868a875f)
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: ishimaro on September 02, 2008, 08:59:51 PM

dati 150 ako last year. 5'7 ang height ko. hindi ko naman ginusto pumayat pero this year bumaba ng 115. sabi sakin ng mga kaibigan ko sobrang payat ko na.

Walang nagbago sa eating habits ko. pero sobrang stressed out ako noong nag OJT ako sa isang company. 6 months ako nagOJT btw. pero last month natapos na, kain-tulog na lang ginagawa ko sa bahay. pero upto now, wala pa rin ako weight gain.. marami kasi nagsabi sakin na hindi daw bagay sakin yung pagiging pagkapayat ko. mas ok pa daw noong medyo chubby pa ako. wtf. personally mas ok sa akin yung medyo mataba. pero hindi yung sobra. yung tama lang. pinagiisipan ko nga ngayon kung mag ggym ako.

kung gusto mo pumayat at tinatamad mag exercise, magpastress ka! haha
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: Mrs.Fields on December 07, 2008, 12:46:20 PM
mas madali kasi kumilos....mas magaan ang pakiramdam.... mas di madaling mapagod...... mas nadaling pumili ng damit....mas maganda tingnan ang walang love handles??? (yun ang di ako sure) hehehehe

iba-iba kasi ang preferences ng opposite sex pero sa kin kasi di ko na nagagamit ang mga damit ko dati kasi tumaba na ako, sayang naman at mas magaan gumalaw at di madali hingalin kung di ako masyado mataba


peace!
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: nivek518 on December 22, 2008, 03:38:26 AM
gusto ng gf ko.  :-D
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: bianxraquel on December 22, 2008, 03:59:50 AM
dati 150 ako last year. 5'7 ang height ko. hindi ko naman ginusto pumayat pero this year bumaba ng 115. sabi sakin ng mga kaibigan ko sobrang payat ko na.

Walang nagbago sa eating habits ko. pero sobrang stressed out ako noong nag OJT ako sa isang company. 6 months ako nagOJT btw. pero last month natapos na, kain-tulog na lang ginagawa ko sa bahay. pero upto now, wala pa rin ako weight gain.. marami kasi nagsabi sakin na hindi daw bagay sakin yung pagiging pagkapayat ko. mas ok pa daw noong medyo chubby pa ako. wtf. personally mas ok sa akin yung medyo mataba. pero hindi yung sobra. yung tama lang. pinagiisipan ko nga ngayon kung mag ggym ako.

kung gusto mo pumayat at tinatamad mag exercise, magpastress ka! haha


heck i'm stressed 150% of the time, i should be a stick by now.
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: Mrs.Fields on December 24, 2008, 12:57:50 AM
ako rin upset because of stress due to quota pero as kungfu panda does....i eat a lot when im upset..hehehehehehe :-P
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: shredboi on December 30, 2008, 02:40:49 PM
para mabilis pumalo,at para pogi..  mapapayakap talaga ang babae sayo nun^^ :-D
Title: Re: Bakit ka nagpapapayat? at ano ba ang perks ng payat?
Post by: alvin_11 on January 05, 2009, 08:53:48 PM
from 220, I'm @ 160 now. target ko by march 130 na lang.

wala lang, nagpapayat lang ako dahil sa isang chick na hindi ko rin pala makakatuluyan at sawang sawa na ako tuksuhin ng tropa dahil sa taba.