TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician
Tech Forums => Gadgetopolis => Topic started by: xelalien on February 27, 2013, 01:02:11 AM
-
share n'yo naman mga stories n'yo.. yung tipong para kayong na-heartbroken o nakalbo sa kunsumisyon sa nangyari sa gadget nyo!
kanina lang, aksidenteng nag-scuba dive sa palangganang may tubig yung Nokia phone ko... :eek: :eek: :eek:
-
nadukot iphone ko sa MRT buendia
2 weeks palang sya sakin nun :oops:
-
Naligo rin ang phone ko. Init na init na ata.
-
naupgrade yung iphone4 ko na naka lock sa japan walang pang paunlock hanggang ngayun ayun mamahaling itouch nalang sya :eek: :cry:
-
left my Sennheiser IE8 inside my polo pocket which got mixed in with the rest of my laundry. the laundry person returned it but it got soaked along with the rest of my clothes :cry: my face was so contorted when she gave it back. I couldn't explain to her that at that time those cost as much as a month of my salary, but my facial expression might have said it all :eek:
after letting it dry out for a loooong time, it still worked perfectly :razz:
-
nungcollege ako...hiniram ko yung isang ipod mini ng kaibigan ng kuya ko...siyempre pag naka ipod ka kasi pogi ka. Tapos uso pa non yung nasa bulsa mo lang yung ipod tapos nasa ilalim ng tshirt mo yung headphones. Nang naisipan kong magcr para dyumingel, pag angat ko ng tshirt ko biglang nahila yung cable ng earphones tapos lumabas sa bulas ko yung ipod mini :roll: . Parang slow motion pa nga nung sinubukan ko siyang saluhin pero too late :cry:Nahulog sa inodoro yung ipod mini na HINIRAM ko lang! :eek: di ko pa naman kayang bayaran yun! Buti na lang hindi pa ko nakakaihi nun at nagflush yung taong gumamit ng cubicle before me... :-o so no choice ako! Dinukut ko sa kubeta yung ipod! :-o KADIRE!!!
-
College days. Naholdap sa FX kinuha yung Nokia 7110 ko. Yun pa naman yung first na phone na ako yung bumili. Pinagipunan ko talaga sya.
-
I'm never gonna buy a touch-screen type of phone again, especially if its a Nokia.
I bought my unit last Feb of 2012. Not long after, the touch-screen ain't working. Lady at the store where I got my phone told me that the warranty does not cover damages such as this. They said that the touch-screen may have been damaged by applying too much pressure to the screen, most particulary if the phone is in your jeans pocket. So I had no choice but to buy a replacement touch screen. Guess what, its friggin' broken again. This time because of sweat that emanated from the side of my head.
<_<
-
Mahilig akong magpatugtog sa cr. ayun nasanggi ko yung phone ko at nahulog sa balde
-
Mahilig akong magpatugtog sa cr. ayun nasanggi ko yung phone ko at nahulog sa balde
:-o
-
my macbook fell 3 feet from the ground. walang kagasgas gasgas yun. sakit sa puso :cry:
-
Ouch!!! Like a spear pushed through your heart.
:-o
-
yes sir! buti nalang walang damage sa internals. may scratch lang na nakakainis tignan. ang OC ko pa naman sa gamit :3
-
Mahilig akong magpatugtog sa cr. ayun nasanggi ko yung phone ko at nahulog sa balde
At buti hindi nahulog sa toilet bowl na may t@3.
:lol:
-
noong unang panahon meron akong
(http://pdadb.net/img/xda2.jpg)
O2 XDA II
mahal na mahal ko tong phone na to. used to be my daily companion. i took down notes, send emails, browse the net, calls, sms, short clips, i even had to buy an expensive 256mb SDcard para may mp3 ako lolz.
it came with a leather jacket that you can clip to your belt - NA LAGING NADUDULAS KAYA ANDAMING BESES NABAGSAK NG XDA KO!
then i finally decided to sell it in greenhills. i guy i spoke with said he can only buy it for 2.8k dahil di na sya in good condish. LCD na lang daw ang mapapakinabangan at procy. i was ok with it. but then he tested(recorded) the video and found out that the speaker wasnt working. he told me he'd still buy it, pero 1.8k na lang daw dahil ipapagawa nya pa yung speaker. i was so pissed and with my fists clenched, i reluctantly agreed to his price.
so heres the lesson: no matter what you do, ingatan ninyo ang phone/gadget nyo. youll never know when time comes that youll be so desperate and would want to sell it. at mababarat lang kayo dahil andami ng damages ng unit.
-
At buti hindi nahulog sa toilet bowl na may t@3.
:lol:
nangyari sa akin yan years ago sa kubeta sa labas ng freedom bar yung sa dulo (dun ata nalipat yung kubeta galing cartimar recto e)..nokia 8210 way back medyo pricey pa yung item hahaha
-
shocks hahaha. kinuha mo parin yung phone sir?
-
naupuan ko yung Nokia XpressMusic phone ko at nabasag yung screen yun yung unang phone ko noong grade 5 ako (2007).. :cry:
-
My laptop got crushed by one of my big classmates. Na-total yung lcd haha.
-
Yung ipad2 nasa sofa malapit sa hagdan. Tapos nahulugan ng basongpuno ng ice tea galing sa hagdan mga 5ft high. Basag ang baso sakto sa screen ng ipad worst nabasa pa. Nung makita ko wasak yung protector. Good thing hinde nabasag yung screen. Laking pasalamat ko sa screen protector. Turned it off for a long time, antay ko matuyo ng matagal bago ko i on. Good thing it still works
-
Yung ipad2 ni esmi laging hinahagis ni 2yr old junior awa ng dios ito buhay pa hehe..
-
Nung college ako, habang vinivideo ko yung inuman naming magtotropa, nahulog sa pitsel ng Beer yung Nokia 6680 ko, after 2 days, di na sya gumana. Hahaha
Nabuhusan ko ng tubig yung laptop ni erpats.
Last year December, kakabagsak ko nung iPhone 4s ko, hindi na gumagana yung wifi. Binenta ko na lang sa sulit. Hahaha
Tas nung new year lang, nahulog yung Samsung Chat (company phone) ko sa kotse, tas pagsara ko nung pinto naipit, ayun nabali. Hhahaha
Tas this year lang din, tinanggal ko yung screen protector ng iPhone 3gs ko, tas nabagsak, basag yung screen. Hay naku. hahaha
I know, I am good in breaking things! Hahaha
-
i used to only have 2 hard drives. never really thought they were that important, so i never backed them up or kept my important files in multiple drives, like youre supposed to -- one day, boyfriend and i had a fight and he pushed our table the table pretty hard -- BAM! hard drive with my film's raw files, edit files, projects, etc. crashes to the floor. P100k+ worth of work in that thing, and i freaked the fuck out. boyfriend was lucky the files were working when he tried to fix it, or we'd have been over right there.
there was also a time when my laptop crashed and decided not to work one day. easy 30k down the drain... or at least to the Apple service center. and of course i didn't have a backup of the files, so all my work -- poof!
lesson learned: hard drives are my friends.
-
May LBM ako non so pabalik balik ako sa CR, tapos sa isang pagkakataon, tinawag nanaman ako ng inang kalikasan so pagbaba ko, binulsa ko yung cellphone (samsung S2) ko, hindi ko namalayan na butas pala yung shorts ko. Ayon, tuloy tuloy siyang bumlagadag sa hagdanan at nakita ko na lang basag na yung screen. :cry: Yun yung mga panahong kakalabas pa lang nung phone na yon.
-
nakup! yung phone ko, bagong bago pa noon, nasa bulsa ng polo ko, after mag cr, syempre yuyuko ka para iflash, ayun parang gumamit ng slide yung phone ko bago nag dive! tsk!
-
I had an iPod Touch 1st gen bought from hong kong. Pagkatapos ng ilang araw, naiwan ko sa shorts ko ito at nalabhan. Ayun sira. Hindi covered ng warranty pag nabasa. May indicator daw sila sa loob.
-
wala pang ipad before.... i had an HP IPAQ.... its a PDA which is as big as a cellphone with a stylus pen. i dont know if i was so drunk . kept it on my back pocket then sat on it. that was probably more than 10 year ago.
-
well technically hindi sa gadget nangyari pero sa itunes ko which made my ipod almost useless. Almost 16 gig worth of songs na meron ako sa ipod ko nang sinaksak ko sa pc nang may pc para pagdownloadan ng songs. Accidentally (or dala ng occasional na katangahan), na-click ko yung "sync device" something, boom! Napalitan ang Dream Theater, G3, RATM, Black Sabbath songs ko ng Katy Perry, Miley Cyrus, Snoop Dog, and K-Pop songs :cry:
-
:Got myself a new smart phone, My first ever, fresh off the boat. I was helping my wife out of the pool, may masamang kaluluwa ang nagtulak sakin, 5 days, di pa tapos honeymoon period namin ng phone ko damn. Masaklap as per the service center wala pang available parts sa pinas. Hintay 3 mo.s daw. Nakaalis na ko't lahat wala pa rin yung part na inorder. :cry:
-
di ko malala kung n70 or n73 nabiktima ko ng ipit gang sa shaw blvd. dinistract ako nadukot cellpjone ko sa bulsa. tapos after five years me napanood ako dokyu sa channel 2 umamin sa mga nandudukot na dalawang pulis ang mastermind yung isa active duty yung isa awol na. nung hinuhuli sa mall yung awol nakipag barilan patay sya. yung isa inaresto sa detachment.
modus pala nun pagkatapos mandukot sa bus nakaabang dalawa pulis.
-
Yung iPod nano ko dati na first ever legit Apple gadget ko, nalunod dahil naiwan ko yung gripo ko na nakabukas, tapos nadaluyan sya nung tubig na bumaha. And since hindi nao-off yung iPod, yun deads.
Sent from my iPhone using Tapatalk
-
nahulog yung 7650 ko sa panglanggas nung bagong tuli kong pinsan zzzzzzzzzzzz.
-
tragic na yata nangyari sakin, nakasakay ako sa jeep nun, konti na lang bakante ng biglang may sumakay na tatlong kahinahinala, naupo sa harapan ko yung isa at yung dalawa sa dulo (nasa bandang gitna ako nakaupo), yung katabi ko nagtetext gamit ang iphone nya, nagdeklara sila ng holdap. nanlaban yung katabi ko, iphone ba naman eh, ayun sinaksak, tangna umaagos ang dugo, kaya binigay ko talaga lahat ng gamit ko. walang nakapag-react sa gulat sa nangyari at nakatakbo yung tatlong kawatan. simula noon, hindi na ko nagcellphone
sorry hindi sa gadget nangyari, sa taong kasakay ko
-
May nabili akong jackpot item noon sa Sulit.com.ph (can't remember the exact year) Samsung galaxy s3 i9305 LTE, 1K LANG! Yes 1k, pero may issue siya, basag yung front glass nya but still functional, pero yun kasi yung time na nasa 15k pa ang good condish na s3, pinuntahan ko pa si seller sa Malolos imagine taga Taytay Rizal ako, so sabi ko kapag nakuha ko sya, papapalitan ko nalang sa GH ng glass, kaso nung chineck ko na, aabot din ng 5k ang papalit, since that time estudyante palang ako hindi ko afford yun.
So decided na ako nalang ang mag gawa, bumili nalang ng front glass sa sulit ulit, nanood ako ng videos sa youtube kung paano alisin yung mga basag, kailangan mo ng HEAT GUN.
So heto na, nanghiram ako ng HEAT GUN, yung first portion na inalis ko, successful, pero, nung nandun na sa gitna, ay P**A, nadale yung digitizer! KITANG KITA ko kung paano dahan dahang nawawala yung display, hanggang sa natuluyan na siya :cry:
LESSONS LEARNED:
1. HUWAG SUSUBUKAN KAPAG DI KAYA ANG ISANG BAGAY
2. EKSPERTO LANG ANG MAY KAYA NUN, MUSIKERO KA, HINDI TECHNICIAN
:cry:
-
May nabili akong jackpot item noon sa Sulit.com.ph (can't remember the exact year) Samsung galaxy s3 i9305 LTE, 1K LANG! Yes 1k, pero may issue siya, basag yung front glass nya but still functional, pero yun kasi yung time na nasa 15k pa ang good condish na s3, pinuntahan ko pa si seller sa Malolos imagine taga Taytay Rizal ako, so sabi ko kapag nakuha ko sya, papapalitan ko nalang sa GH ng glass, kaso nung chineck ko na, aabot din ng 5k ang papalit, since that time estudyante palang ako hindi ko afford yun.
So decided na ako nalang ang mag gawa, bumili nalang ng front glass sa sulit ulit, nanood ako ng videos sa youtube kung paano alisin yung mga basag, kailangan mo ng HEAT GUN.
So heto na, nanghiram ako ng HEAT GUN, yung first portion na inalis ko, successful, pero, nung nandun na sa gitna, ay P**A, nadale yung digitizer! KITANG KITA ko kung paano dahan dahang nawawala yung display, hanggang sa natuluyan na siya :cry:
LESSONS LEARNED:
1. HUWAG SUSUBUKAN KAPAG DI KAYA ANG ISANG BAGAY
2. EKSPERTO LANG ANG MAY KAYA NUN, MUSIKERO KA, HINDI TECHNICIAN
:cry:
a good experience nonetheless. I ddnt know what a digitizer was until I read your story.
Mine was very typical. Dropped my HTC sa toilet bowl with my poop on it dahil sa lintek na temple run na yan.
-
a good experience nonetheless. I ddnt know what a digitizer was until I read your story.
Mine was very typical. Dropped my HTC sa toilet bowl with my poop on it dahil sa lintek na temple run na yan.
Masyado lang siguro akong malalim magkuwento? ^-^
-
Masyado lang siguro akong malalim magkuwento? ^-^
come to think of it yes. nadala ako nung iniimagine ko na dahan dahang nawawala ung display. lol
-
come to think of it yes. nadala ako nung iniimagine ko na dahan dahang nawawala ung display. lol
And paiyak ako that time. Sayang lang