Minsan (kadalasan ^_^), loosethread yung screw sa beater holder, pero nakukuha naman sa "hindi makatarungang" pag-higpit. Yung gagamit ka ng pair of drumstick as extra grip para sa drumkey para sobrang higpit talaga, ganun ginawa ko sakin kaya hindi na umangat yung beater ko.
Yung hinge ng footboard nag wowobble na sakin wala pang 1 year.. (Don't get me wrong maingat ako sa gamit lalo na sa pedal. Kung hindi kayo nakakaexperience ng wobbling sa 6611 na over 1 year na sa inyo eh siguro swerte kayo at factory defect yun sakin, or hindi nyo ganun kagamit yung pedal, etc, etc..) Pero magagamit mo pa din naman siya ng matino, hindi nga lang tulad nung dati yung feel, mejo iba na but still ok pa din.
Sa performance, ok na ok! wala akong masabi, walang delay sa feel natural na natural, perpekto na sana itong pedal na ito kung hindi lang sa dalawang flaws na nabanggit ko. BTW, I'm talking about sa old 6611, yung solid pa yung footboard, hindi pa ko nakatry ng mga bagong 6611 ngayon. Pasensya na nobela na 'to.