add ko lang: medyo totoo yung pababayaan ka ng dealer sa cash payment. ang ginawa ko, pinag commit ko yung ahente na dapat makapag produce sila ng orcr ng motmot ko within 3 weeks. luckily, yung kservico samin eh committed din sa 3 week turnaround time nila sa lahat ng papeles ng mga bumibili sa kanila, cash man o hindi. if after weeks wala pa din papel, escalate mo agad sa manager. punta ka sa dealership na may dalang papel na papipirmahin mo yung manager stating that they are to deliver the orcr within 1week max. pag wala pa din, kasuhan na.
tip: kung gusto nyo instalment at may kamag anak kayong may credit card na may cash advance option, avail nyo yun. mas mababa porsiyento ng mga cardholders lalo na kung good standing credit nila. sample ako - pinakuha ko si misis ng cash sa metrobank card nya na 50k flat. i used it to buy the motmot. payment term ko sa card nya ay 25xx for 2 years lang. may more than 10k na tubo pero di yan masakit sa bulsa kung nababayad ka ng monthly.