manual ba sasakyan mo kuya?
mas madali po sa kalsada ng Marcos Highway. Medyo mahirap sa Kennon kasi yung kalsada dun eh hindi well maintained, structure kasi mismo nung road, yung mga mountain range beside it eh madaling magputik. Maingat naman po lahat ng drivers na dumadaan on both roads. Kung oovertake ka, dapat sure ka na magoovertake ka, wag mag-aalangan, basta busina lang to alert yung ioovertake mo and make sure na hindi ka sa kurbada magovertake ha? Mostly ng kelangan mo lang naman iovertake eh mga bus and trucks. Mabagal lang takbo ng mga yun kasi madaming karga.
Wag ka magmadali, kahit 20kph lang andar mo dun, in 45 minutes to 1 hour nasa baguio ka na from Sison Bus Stop.