maraming nagsasabi mas mabilis daw mag rebound or parang mas mabilis sa feel ang single chain
halos walang kinalaman ang chain sa rebound. kung meron man siyang maaapektuhan, sa initial response na siguro, at sobrang minimal lang ang pinagkaiba ng epekto na yan sa epekto ng single chain. in general, chain drive--single chain man o double--ang pinakamabigat ang response; pinakamalambot ang strap drive; pinakadirect (obviously) ang direct drive.
kung gusto mo ba iba ang response, ibahin mo yung cam; kung gusto mo mas mabilis rebound, palitan mo yung spring, yung beater angle, o kaya gumamit ka ng Iron Cobra na may Cobra Coil.
may iba pa nga from double chain, ginagawan nilang gawing single chain
ginagawang single chain? as in tinatanggal nila yung isang chain talaga? o pinapalitan yung buong double chain assembly ng single chain? o binebenta nila yung double chain na pedal at bumibili ng single chain?
kung tinatanggal nila yung isang chain, sinisira nila yung pedal, ginagawang void yung warranty, at mawawala yung balance ng paghatak ng footboard sa cam/beater.
kung pinapalitan yung assembly o kaya bumibili talaga ng single chain, medyo bobong gawain dahil dinadowngrade nila ang gamit nila nang walang kapalit na advantage.
kaso pwede po ba i-convert ang single chain sa double chain?
may binebenta double chain assembly dapat ang JB para sa Pearl Elims, kaso ang problema mo diyan yung cam ng pedal mo--malamang pang single chain lang talaga ang kasya, kaya di mo yan bastang macoconvert.
ang nagawa ko pa lang na pagkalikot sa single chain pedal ay palitan ng bicycle chain (take note--sobrang laki ng pinagkaiba ng bicycle chain sa single chain na pang bass drum pedal. ang kapal at solid ang mga link sa bicycle chain kumpara sa pipitsuging single chain). option iyon, kaso papatayin mo yung value ng pedal mo--kung palpak yung paggawa mo, di mo na yan mabebenta.
kung maganda pa condition niyang DW7000 mo, mas magandang ibenta mo na lang at bumili ng double chain. syempre, wala namang mali o masama sa pagkakaroon ng single chain pedal. tinanong mo lang kung alin ang mas maganda, at mas maganda talaga ang double chain.
kaso kung ang tanong na ay kung alin ang pinakamaganda--chain, strap, o direct--personal preference na lang iyon.