hulika

Author Topic: may yumayaman ba sa pagbabanda?  (Read 17418 times)

Offline Sherwin_xx2002

  • Senior Member
  • ***
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #25 on: August 18, 2008, 11:18:53 PM »
Generaly... iilan lang ang yumayaman sa pagbabanda... yung mga banda sa mga bars? mgkano lang ba ang TF nila? Yung mga sikat lang cgurong banda ang yumayaman.... pero karamihan sa nag babanda, abonado pa kung minsan.... :mrgreen:
CARPE DIEM

Offline rays

  • Senior Member
  • ***
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #26 on: August 20, 2008, 12:53:49 AM »
depende sa type of music and appeal sa tao kaya yumayaman ang banda.
hindi na kikita banda ngayon kung sa album at cd sales lang kelangan nila ng gig and endorsement. mas malaki pa nga kinikita minsan sa gig at endoresment kesa sa cd sales.

tas kelangan medyo trendy din kasi mabilis magsawa mga tao/audience/fans. laging may lumalabas na bagong banda.

yung ibang talented na musikero dito nagaabroad kasi mas malaki pa kikitain nila magshow band sa abroad kesa sumikat dito. walang suporta dito e. kadalasan pineperahan lang ng mga bar and production mga banda pero walang balik.

kaya wag masyado magseryoso sa pagbabanda. hobby lang muna. para mas enjoy... :mrgreen:
music is what keeps me going. without it, i got no self esteem.

practice makes perfect but perfect doesn't make practice. damn!

Online reno_of_the_turks

  • Senior Member
  • ***
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #27 on: August 22, 2008, 06:36:10 AM »
hehehe syempre di natin isasama yung pioneer na. yung ngayon lang year 2000 lumabas. kase nung kapanahunan nila eheads, konti pa lang ang competition at style ng music, ganon din ang piracy at other forms of music technology. so malaki talaga ang chance nila na magkaron ng break. right place at the right time ika nga.  :lol:

In the 90's maraming magagaling na banda and competition, like alamid, yano rivermaya, green department, rizal underground, tropical depression, the teeth, true faith, side a, moonstar, wolfgang, orient pearl, razorback etc

Tungkol dun sa topic I think may yumayaman naman sa pagbabanda

Offline markdennis

  • Regular Member
  • ***
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #28 on: August 22, 2008, 09:50:17 AM »
in general dito saatin di ko masasabi na yumaman nagkaroon lang ng steady income i guess, unlike sa states pag nagkaroon ka ng isang hit panigurado mafefeature ka na sa mtv cribs dahil may pera ka na:-D gawa rin siguro dahil maliit market natin dito kaya kailangan din ilabas ng bansa yung tugtugan natin, parang ganito yung tingin ko tong philippines sabihin na natin na parang isang state like washington, tapos yung mga bansang singapore, thailand, hk, japan, etc parang california, new york, etc. kailangan lang may passport para maka tour dun and mag bubook sayo dun so kungbaga yung asia parang usa,  anyway balik kung yumayaman siguro kung tipong eheads sabi binigyan ng malaking anda para tumugtog ng one night only malaking halaga na talaga yun pero kung compare mo sa one night only ng led zep yun binigay sa kanila mejo barya pa talaga:)
text NUVOTE(space)bigayan to 29107, myspace.com/enemiesofsaturn, enemiesofsaturn.multiply.com

Offline thr3ten

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #29 on: August 22, 2008, 10:19:25 AM »
i could think of a few that did it, but in this casual change prone industry you need to think of something else to back your resources well.  kailangan may on the side parati preparing for the inevitable  :-)
Pulling Teeth!


Offline swinger

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #30 on: August 23, 2008, 04:42:34 AM »
marami na ring yumaman pero hindi katulad ng iniisip nyong YAMAN.

in general, musicians who knows what they are doing and going is the one who excel financially. dami ko ng musiko na nakausap na from RAGS TO RICHES ika nga. sila yung mga musikong may pangarap and STRAIGHT! you know what i mean.

there is this one musician, who i envy a lot because of the struggle as a touring musician and after that being succesful, mga taga BF paranaque baka kilala nyo 'to. he goes by the name DIXIE. when he was starting out, i think it was 60's or 70's, his band went abroad to earn more money. i think its vietnam ata. his wife is pregnant when he left. pero nung dumating sila dun, wala silang trabaho kasi naloko sila ng promoter na kumuha sa kanila. after 3 weeks( still no gig) her wife called telling him na NASUNUGAN sila, pero hindi nya na sinabi ng wala silang trabaho para hindi ma-upset yung wife nya. being the bandleader, his eager to get a job for the band because he is also concern about his member's family.

after almost 2months of no work, he bump in to this guy na chef sa US base na nagkataon eh frustrated musician. he told him that he is struggling to get work for his band and GUTOM na sila. gumawa ng paraan yung kaibigan nyang chef na makatugtug sila sa loob ng base pero walang bayad. CHIBOG lang. so, tinanggap na nila yun pang tawid gutom nila. pero kailangan nilang mag sneak in papasok at palabas ng base kasi bawal. and then the time comes for them to play. 1st song palang nila, nagulat sila kasi yung mga tao nagbabato ng pera(US dollars) sa kanila, akala nila binabato sila kaya tumigil sila. sabi ng kaibigan nya " play, money is what you want then thats what you gonna get"! and the rest is history!

now, he has a big house in BF. 6 cars. full band studio. full band set up for outdoor. and all of his children are highly educated. some of them graduated from the US. lahat yan nakuha nya sa pagiging MUSIKO! :-)

Offline jamming_papu

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #31 on: August 23, 2008, 05:23:56 AM »
marami na ring yumaman pero hindi katulad ng iniisip nyong YAMAN.

in general, musicians who knows what they are doing and going is the one who excel financially. dami ko ng musiko na nakausap na from RAGS TO RICHES ika nga. sila yung mga musikong may pangarap and STRAIGHT! you know what i mean.


a very heart warming story. :-)
as i read it, it feels like a real-life a novel on an internet forum site.
ang masasabi ko lang ay laging may paraan. we just have to keep finding it ourselves.  :-D
“Man, you don't have to play a whole lot of notes. You just have to play the pretty ones.”
- Miles Davis
 http://soundcloud.com/jammingpapu

Offline MIG AYESA

  • Senior Member
  • ***
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #32 on: August 23, 2008, 12:48:16 PM »
Merong yumayaman, pero mababa ang ratio. Siguro  mga less than 5% lang ang mga yumaman tlaga.

Mas magandang term siguro yung kumita instead na yumaman

Dito  kc sa bansa natin, mababa ang royalties ng mga talents. Di tulad sa ibang bansa kahit mga one-hit wonders. Big time na agad.


Kaya pag naghit ang song ninyo, strike while the iron is hot. Todo concert at tv appearance agad para kumita.

Online ytse_neil

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #33 on: August 23, 2008, 01:04:37 PM »
Merong yumayaman, pero mababa ang ratio. Siguro  mga less than 5% lang ang mga yumaman tlaga.

Mas magandang term siguro yung kumita instead na yumaman

Dito  kc sa bansa natin, mababa ang royalties ng mga talents. Di tulad sa ibang bansa kahit mga one-hit wonders. Big time na agad.


Kaya pag naghit ang song ninyo, strike while the iron is hot. Todo concert at tv appearance agad para kumita.

oo tama ka kumikita meron pero yumayaman di siguro..kasi yung kinikita mo tama lang sa paguuprade ng mga gears mo eh..saka yung mga sasakyan na ikagiginhawa sa gig niyo..

tignan niyo nalang yung mga hiphop artist sa US sila nelly,timbaland etc..lahat sila yumayaman kagad sa pagrarap di tulad dito yung salbakuta tumanda nalang sa pagrarap di pa rin umaasenso...
Please check and like our bandpage on facebook: https://www.facebook.com/pages/Bonifacio-Republic

Offline swinger

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #34 on: August 23, 2008, 02:46:26 PM »
pasensya na mga sir ha pero just like i said MERON ng yumaman. it all depends how you measure that YAMAN.

marami pang kwento tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga pinoy musiko. sobrang dami, na hindi ko akalain na yung iba ay mararanasan ko. kung may kilala kayo na working/gigging musician na nakaranas ng pakikipagsapalaran sa pinas at sa ibayong dagat, tanungin nyo sila kung pano talaga ang buhay BANDA. :-)

Online ytse_neil

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #35 on: August 23, 2008, 11:08:47 PM »
I just watched MTV cribs earlier and I just watched New found glory's guitarist yung mataba di ako fan nila kaya di ko siya kilala..Grabe napakaganda ng bahay nila at ang trabaho lang niya eh ang pagbabanda..Imagine kung yung ibang tao magtatake pa ng nursing course dahil sabi ng mga nanay nila na dun sila yayaman kahit na ayaw mo.. pero mga banda sa US kahit di nagtapos mas maunlad pa sa iba.

Naalala ko yung show sa myx ng kamikazee yung "banda san" ata name nun may nainterview si Jay na isang bandista din then pabiro niyang tinanong dun sa singer na "Ate anu po ba gusto niyo sabihin sa gobyerno natin ngayon?"then the woman answered "Sana taasan ang bayad sa mga musicians sa philippines kasi ang hirap ng ginagawa natin para lang magentertain sana dagdagan kahit konti."
Please check and like our bandpage on facebook: https://www.facebook.com/pages/Bonifacio-Republic

Offline adidas ni hudas

  • Veteran Member
  • ****
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #36 on: August 24, 2008, 01:34:18 PM »
it depends.......

pagsikat na banda na...
syempre kumikita yun...

pero yun iba..
kahit matagal na banda na
unless walang nabigay na break sa kanila

i dont think they earning something..

i passed my drugtest !!    "get high legally"   "live positive..test negative"

Offline brutalaffection

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #37 on: September 10, 2008, 01:56:50 AM »
hmm.. para sakin. mahirap yumaman dito sa pilipinas sa pagbabanda. panget ang music industry dito eh.. ang konti pa ng mga sumusuporta.. ung iba nga ang tingin dito ngayon waste of time lng sa sobrang daming naghihirap.

Offline gandydancer123

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #38 on: November 06, 2012, 09:31:58 AM »
 :-o ganda nito ah! parang mga katanungan ko sa pangarawaraw..

Offline samuelfianza

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #39 on: November 06, 2012, 12:33:25 PM »
Walang yumayaman sa pagbabanda.

Yung mga sikat na banda na-bigyan lang sila ng maraming opportunities (product endorsement, band management, connections, etc) kaya yumaman.

Pero kung pagbabanda lang, mahirap.
« Last Edit: November 06, 2012, 12:37:24 PM by samuelfianza »
STATUA - Experimental Music http://statuaph.bandcamp.com/     DISPERSE MEDIA - Audio Production / Recording http://facebook.com/dispersemedia     http://vimeo.com/dispersemedia     Random music ideas http://soundcloud.com/sammol

Offline gandydancer123

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #40 on: November 06, 2012, 12:42:50 PM »
kung sa US and Europe..gaganda din ng careers ng mga skateboarders and nagbbmx..imaginin mo kung sa pinas..parang impossible maging career mga to..pagtatawanan ka lang ng mga tao..

palagay ko pag di pa sikat banda mo..99.99% chance wag mo nang asahan yayaman ka..

pag sumikat at nagka hits at tinangkilik album mo...maiiba yung percentage sa 98.99% na makakaafford ka ng rockstar luxuries..

Naalala ko sinabi ng singer ng Phantom Planet..yung kanta na "California" ang nakatulong sa kanila makabili ng Porche, Range Rover etc...hahahaha..

anyway..sa opinion ko...napakahirap umasa sa pagbabanda para guminhawa ang buhay..and besides there are better and esier and more tried and tested ways to find wealth....yun nalang tahakin mo as priority..tapos banda ka nalang on the side..kesa na umasa ka na yayaman ka sa pagbanda..


kung mayaman naman kayo talaga at mapera si papa and mama...why not..maging hipster ka nalang at magartist/photographer bass player..habang  kaya pa ng mga magulang mo idole out ka sa finances....pero..duh..sino ba naman ang may gusto nito..

Offline brighteyesbayside

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #41 on: November 06, 2012, 11:54:32 PM »
well, if you're speaking in absolutes.
Yes, mayroong yumayaman sa pagbabanda, a very tiny percentage siguro

the same way na merong yumayaman sa pagtataho, pagbebenta ng ice cream etc.

however, if you're comparing it to different more commercial industries, obviously mas maraming chances to earn financially from them.

here's a cold hard truth: it's not for everyone. who said life was fair?

ung bands having mega endorsements from companies,tv etc. they've done their share of heartches and hard stuff and playing on all kinds of [gooey brown stuff] places. sometimes they're also just lucky.

made an excel program to find the keys to a scale, and where to find them in a guitar's fretboard. It's a lot of fun! >>> http://talk.philmusic.com/index.php?topic=264555.0

Offline jjgalvan

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #42 on: November 14, 2012, 08:22:04 PM »
sa mga province kadalasan ikaw na tutugtog kaw pa mag babayad lol

Offline Helmet

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #43 on: November 16, 2012, 07:12:08 PM »
Unless may cameo ka sa mga shows sa TV, walang mangyayari sa pagbabanda.

In this day and age (not to mention this country), being in a band could not sustain your living, so it should not be a priority. Mukha lang mayaman yung mga idol natin, compared to us who are working in a corporate world. Why, you might ask. Most of them don't have insurance, social security, health benefits, etc. Their savings are liquid and hati-hati pa sila dun. Pano kung mala-Slipknot ang lineup nyo tapos every weekend lang kayo tumutugtog? Labas nyan puro pancit canton araw araw.

Let's say nasa super band ka na, earning 7,000–10,000 per song; with gigs every weekend; apat kayo, with managers and roadies. You can hit 75,000–85,000 per month net. Mukhang ok na, but remember, these are liquid savings. Wala pa dyan ang gastos sa tour, recording, gears, at lahat ng kailangan na hindi naka-budget para sa banda.

Being in a band isn't all that bad, neither is it all that good. It should be approached as if it was a job that you intend to have. Kung pano ka mag-isip sa paghanap ng trabaho, dapat ganun din sa pagpasok sa banda if you intend to make a career out of it.

On a side note: Working in a bank, I have seen so many famous band members apply for a loan and they always get turned down because of their poor credit standing. Why? We don't consider musicians as a "stable career". Unless you're Willie Revillame.
« Last Edit: January 18, 2013, 01:40:37 AM by Helmet »

Offline fretboard

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #44 on: January 10, 2013, 01:41:41 PM »
IMVHO meron naman yumayaman sa pagbabanda.
try mo kayang kalabitin baka tumunog...

Offline gandydancer123

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #45 on: January 10, 2013, 02:14:34 PM »
siguro pyschology and mindset wise..most artists and musicians have very few business sense..most of them live in the moment..have extravagant lifestyles na kailangan nila sustain to keep their image..kaya siguro iilan lang talaga ang yumayaman ng husto..industry wise mahirap na at super struggle..dagdag mo pa yung usual free spirit attitude..


Offline fretboard

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #47 on: January 17, 2013, 08:24:04 AM »
kalungkot yan
try mo kayang kalabitin baka tumunog...

Offline gandydancer123

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #48 on: January 17, 2013, 08:27:50 AM »
how much kaya yung royalties na yun are we talking millions of pesos? swerte pa niya kamo nabalita pa yung plight niya..paano kung walng makakaalam...




"Ser, Gary Kunin ko na po yung surf green strat ninyo 1,500 nalang yan para lang po sa church..."


actually pwede naman siya kumita ng konti sa mag turo ng guitar lessons...or magsetup ng guitars..
« Last Edit: January 17, 2013, 08:32:17 AM by gandydancer123 »

Offline Helmet

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: may yumayaman ba sa pagbabanda?
« Reply #49 on: January 18, 2013, 01:48:38 AM »
Ang alam ko nasa 1-3% depende sa earnings ng.... ewan....