Nakabili na ako ng pedal, 2nd hand lang... 3.2K... May 2 extra cam na kasama wala nga lang alen wrench...
at local na drum key kasama... pero ok na rin... Probelma ko lang yugn rubber don sa foot borad unang gamit ko pa lang nalusaw na, as in natunaw at kumalat siya sa pedal board, tsk tsk tsk...
Meron po bang nabibili nung rubber? Saan meron at magkano kaya? Nagtanong ako sa JB sa MOA wala sila eh... Yung cam lang meron 250 isa... Balak kung bumili ng lahat ng size... Yung alen wala daw sila, bumili na lang ako sa ACE. Buti na lang sa ACE ako bumili kasi yung sa pedal 2 size pala ng alen ang kailangan ayun sulit namin yung nabili ko. Naadjust ko na rin ng tama yung pedal kasi wala sa alignment nung una...
By the way, ano po ba ang epekto ng pagpalit ng cam? Napansin ko lang kasi eh yung nagbvabago yung bigat sa paa, mas maiksi mas mgaan ang feel... Tama po ba observation ko?