2 weeks ago pag uwi ko around 9pm may nakaharang na motor sa tapat ng gate namin.. hindi ako makapark at pinagtanong ko sa paligid kung sino may ari di daw nila alam..
sa sobrang urat ko binuhat/hinila ko at nilagay ko sa tambakan ng basura malapit sa gate namin.
Napakarami kong experience nyan dito sa amin. Pag mga motor at tricycle, hinihila ko talaga. Pag mga kotse naman, todo busina ako. As in maasar talaga ang mga tao.
One time, nung malapit na ang election, maraming bisita sa kapilya na malapit dito. May nag-park talaga sa tapat ng gate namin. Naka-ilang mahahabang busina na ako, wala pa ring pumupunta para alisin yung sasakyan. Ginawa ko, pinarallel ko yung sasakyan ko sa nakapark sa tapat ng gate namin. Then iniwan ko yung sasakyan namin.
Wala ng makadaan. May dumating ng traffic enforcers dahil naaapektuhan na ang flow sa ibang kalsada (city proper kami). Sinabi ko ang situation sa kanila. Yun, nagtawag na sila at nagpa-reroute. Then inabangan na nila ang may-ari para ticketan, obstruction daw. Sabi ko kay misis, gisingin na lang ako pag ipapasok ko na yung auto namin (night shift, kailangang matulog muna). Dumating naman yung may-ari, katakot takot na paumanhin ang ginawa kay misis. Pero hindi namin pina-ticketan.