Ako yata ang pinaka paborito ng mga lamok. Kahit saan ako magpunta sinusundan nila ako parng si Mike Enriquez. Di nila ako tinatantanaaaaannn! Kaya masasabi ko na may PhD na ako pagdating sa lamok.
Tips para sa iyo, bro:
1. Off. Lotion o, kung ayaw mo ng malagkit na feeling, OFF SPRAY.
2. Incense or Oil Lamp na may CITRONELLA scent. Takot ang mga lamok sa Citronella.
3. Malagay ka ng halamang Eucalyptus sa pot. Takot rin sila dito.
4. Kung 'di mo kayang huliin ang mga lamok sa pamamagitan ng iyong mga kamay o chopsticks gumamit nung badminton na insect swatter (yung naka-post sa itaas).
5. Ok rin ang mga WATER BASED mosquito spray tulad ng CROCODILE. Mabibili ito sa mga suking groceries.
6. Try mo ring linisin at alisin ang mga kalat sa mini bar niyo para 'di na nila tambayan ang lugar na iyan. Pagkalinis mo, mag-spray ka ng Insect Spray, Siguraduhin lang na mga ilang oras na ang nakalipas bago ka mag-Philmusic.