Silipin nya po yung tremolo kung nakalutang, maganda po kung lapat yung mismong tremolo sa body pag vintage trem na makulet, which is common sa mga Raon Guitars na may trem (may Floyd rose ba ang raon guitars?
). Pag lutang, sikipan nya yung springs (may screw po sa likod yun) hanggang dumikit sa body. Kung mataas po yung lutang, luwagan nya muna mga string kasi baka maputol pag nabatak ng sobra. Mawawalan siya ng upward motion sa trem pero mas stable ang tono.
Lagyan nya ng lead yung strings nya sa pagitan nung mismong ball at winding para hindi gumalaw galaw sa loob ng tremolo yung strings (ingat lang at baka sumobra, di magkasya), or bullet ends ang gamitin nya.
Pag ilalagay na po yung strings sa poste nung tuners, i-ikot nya rin po muna yung strings ng ganito:
http://www.prsguitars.com/csc/tuners/vin4.html para maipit nung strings yung sarili nya tsaka po i-ikot.
Kontian lang din nya yung wind sa tuners, mga 3 ikot lang yung strings (Bababa ang tension nung walang string retainers, yung wounded strings, maaring may noticeable difference sa tunog). Dapat din po pababa lang yung ikot ng strings sa post at hindi mago-overlap.
Lagyan nya ng petroleum jelly o vaseline yung part ng string na lumalapat sa nut.
Pag tinotono po niya, i-tap nya (light na hataw) pababa yung trem several times tapos tono ulet hanggang di na nawawala sa tono yung trem pag tina-tap. tapos pag ginamit na niya yung trem i-tap ulit niya pababa pag nawala sa tono para bumalik.
Disclaimer: para po sa low budget 'to
kung may malaking budget po siya bili na lang siya bago guitar.
or..
...mas ok siguro if d na gamitin ung tremolo..