Sir, I'm sure I misunderstood you. Stereo perception? Isn't it better with headphones? With the monitors, if I so much as turn my head to one side, the stereo spread of the mix changes.
I understand your point with the EQ issue, yes it travels differently in open air. But what's the objective? Supposing the majority of people use their headphones to listen to their music (theoretically), do we still make it pleasing to the ears in open air? Well, I could be wrong with regards to the majority thing, but that's the point I'm trying to arrive at. Why monitors?
Pardon my curiousity. It's just that a lot of professional guys go with monitors, and it puzzles me why.
dahil kung maganda sa headphones, hindi siya maganda sa lahat. dahil hindi FLAT ang sound ng headphones. may mga frequencies sa headphones na nakaBOOST, kaya hindi mo pwedeng pagkatiwalaan pagdating sa mixing. lalo na kapag EQ na ang usapan. siguro kung panning, masarap sa headphones kasi makikita mo kaagad ang result.
ang mga studio monitors, FLAT ang sound. so, pwede mo siyang pagkatiwalaan sa pag-adjust ng EQ, which, i believe, is the most important part of mixing. para pagdating sa mga listeners ng trabaho mo, pwede nilang i-boost yung bass. o i-adjust yung EQ sa kahit anong gusto nila.
chka bro, hindi mo pwedeng pagsilbihan ang mga naka-headphones lang.
paano naman tong mga to:
*mga nagsa-soundtrip sa koche.
*mga band na magsusubmit ng DEMO para sa isang contest, hindi naman headphones ang gamit ng panels eh.
*ung mga tao sa BAR, kung sakaling patugtugin yung trabaho mo ng sound-tech sa malalaking speakers(minsan nangyayari yun)
*mga magsusubmit ng demo sa radio station, In the Raw for example, madali silang mag-grant ng air play.
*mga nakikinig sa maliliit na computer speakers.
*mga nakikinig sa earphones (earphones ba ang tawag doon sa swak sa tenga?)
*sa mga audiophile na magaganda ang "soundtrip system"
*mga highschool/college students na gagamitin ang song para sa video presentation nila. usually pangit mga speakers sa school eh. (ewan ko sainyo UST ako eh. sabog ung speaker sa podium eh!)
etc.
plus hindi lahat ng nakaheadphones ay may magagandang headphones. chka hindi lahat ng headphones ay magkakatunog, kung ano ang tunog sa headphones mo, iba yan sa ibang headphones. dahil malaki ang range ng quality ng mga headphones eh. makikita mo kaagad yan sa prices. merong 250, may 1000. may 2000.
ayun. magandang araw.