Buhayin ko lang tong thread na to..
Madalas na-te-take for granted naten itong carpet at hindi naten napapansin mga nagagawa niya para sa atin at sa minamahal nateng instrumento..
Kwento ko lang, last week nagka-gig ako. Dinala ko si misis(drums ko) kasi gusto ko siya yung gamitin ko sa gig na yon. Siyempre dinala ko rin ang Carpet niya para di umurong ang drums at yung comfort na rin na binibigay niya.
Sa lahat ng naging gigs ko, maikli man o matagal, outdoor man o indoor, malayo man o malapit, Pag dinadala ko ang drums ko, laging kasama yung carpet. Dahil alam kong ang laking bagay niya para saken lalo na pag kasalukuyan akong tumutugtog. Ang masaya pa don, maingat ako sa gamit eh. Obsessive-Compulsive. Madamot ako pag dating sa drums ko, maliban na lang kung talagang kilala kita o kaya nasa itsura mo ang marunong mag alaga at mag ingat ng drums..
Eto ngayon ang pinuputok ng butchi ko.. Nung araw ng gig last week, ang dameng taong makukulit. Parang ngayon lang nakakita ng drums, ng drummer ng malapitan, ng nagsesetup ng drums, (pardon me, hindi po sa pagyayabang ano. pero sana nakukuha niyo gusto kong sabihin.). Nakaka-inis lang na nung tapos na ko mag set up at mag sound check na kasama pa ang banda, siyempre oras na ng meryenda. May mga taong hindi naman drummer pero manghihiram ng sticks, di ko sila kilala. Tas lalapit sa drums, uupo, tatapikin. Nakakainit ng ulo. Pag sinaway, sasabihan ka pa ng madamot. Opo sinaway ko pero sa maayos at makataong paraan. Hindi ako nagpahiram ng sticks, at nung kakaen na kame ng mga kabanda ko, hinarangan ko pa ng mga gamit yung drums para walang makalapit o maka-upo sa throne..
Ang ending, pagbalik ko pagkatapos kumaen, kagulat gulat at katakot takot ang sinapit ng carpet ko!!!
KEYBOARD SMASH!!! dfhjkjkqwfjhbqwhyiqxyqr382q43q843qo74qtupge!@#$%^&*()iwfyfawi
Yung carpet po ay may nakatabing pinagkainan ng Cup Noodles, may mga nakatapon pang pansit mula sa cup noodles na yon.. Ang dumi ng carpet gawa ng mga sapatos ng nagdadaanang mga tao na galing pa sa labas eh umuulan non.. At ang pinaka-kupal !@#$%^&*() sa lahat, MAY BUBBLE GUM na yung carpet!!! Parang bubble gum na galing sa sapatos na tinapak sa carpet..
Buong gig ang sama lang talaga ng loob ko di ako maka-concentrate kakaisip sa carpet.. Di ko naman inaway yung mga tao na lumalapit sa drums ko para gawin nila yon, sa halip, pinakiusapan ko lang na bantayan sana. Nung may manghihiram ng stick, sinabi ko kakaen lang ako. So siyempre di ko naman pwede iwan yung sticks ko kasi baka mamaya puro dents na yung cymbals di ba?
Nagulat lang ako dun pa pala kumaen ng pansit, dinadaan-daanan pa ng kung sino kahit nakatabi naman at hindi naka-balandra sa daanan ng tao.. Hay buhay!
Nagkuwento lang talaga ko dahil gusto ko maglabas ng sama ng loob, pero ang sadya ko talaga, pano ko matatanggal yung bubble gum? tsaka magkano kaya magpalaba ng carpet? tsaka ano pa ang dapat kong gawin para sana magamit pa yung carpet? Yung carpet ko pala yung Gretsch na galing sa JB.. Sana matulungan niyo ko mga sir.. alam kong naiintindihan niyo galit ko ngayon! Salamat!
Sa lahat ng naging gigs ko na dinala ko yung drums at yung carpet niya, ngayon lang nangyari saken to.. Sana may napulot kayong aral dito.. Salamat