para sa mga commute:
1. yung mga dumadaan sa edsa, fastest way would be via mrt then get off the buendia station. punta kayo sa south-bound side. sa baba nun may shell at may washington or lrt/cartimar na jeep. sakay kayo sa jeep at sabihin nyo ibaba kayo sa makati ave. petron gas station. pagbaba nyo may makikita kayong intersection na may mcdo at mang inasal sa likod ng petron. lakad lang kayo papuntang mcdo at lampasan nyo yun. lingon kayo sa kanan may foreign exchange at PUSSYCAT/ROGUE dun. burgos na yun. baybayin nyo lang makikita nyo agad citadel.
2. yung mga galing taft, hanapin nyo sa may pedro gil area (dun to banda sa may AMA leon guinto) yung jeep na burgos. baba kayo sa burgos mismo corner kalayaan ave. may stop light yun. punta kayo sa kanan, makikita nyo na citadel agad. pero kung nasa taft-buendia ka, mas mabilis yung byaheng buendia/mrt na jeep at baba sa makati ave petron station at sundan ang directions from option #1.
3. alternate route naman guadalupe ang baba pero dun kayo sa south bound side ng mrt. may jeep dun going to ayala pagbaba nyo ng mrt station. sabihin nyo ibaba kayo sa burgos, alam ng drivers yun. kung duda ka, baba ka sa tapat ng chinabank (paglampas ng a.venue at after tumawid ng kalayaan-north park resto). sa kaliwa makikita nyo bpi, lakarin nyo lang yung papasok na yun para marating citadel
matraffic makati ave. area ng ganung oras. agahan nyo yung byahe ng konti lalo na yung dadaan ng guadalupe-ayala jeep route. yung mga coming from buendia mrt ang shortest travel time.