i guess yung difference kasi sa xtrail, alam mong yung view mo sa likod eh yung likod mo na talaga
I drive an SUV. It is true. Ang kagandahan ng SUV is yung view mo sa likod, yun na mismo yung dulo ng kotse mo. Mas madaling tumantsa.
Pag coding ako, hinihiram ko yung isang auto sa bahay pag walang gumamit. Sedan siya. Medyo nahihirapan ako tumantsa pag paatras kung tatama na aba ako o dehins. May backing camera siya, pero pinaglaruan ata ng tadhana, kasi sira na yung LCD screen ng head unit. Well, LCD screen lang sira, as in walang makita, pero gumagana mismo yung head unit.
Actually, pag start mo, naka on agad yung FM radio. Naka set sa Jam 88.3. Yun nga lang di ko mapalitan, kasi yung controls dapat nasa LCD screen. G*go lang eh. Wala man lang real buttons talaga haha.
Pero sa totoo lang Ralph, masasanay ka rin diyan. Lalo pag nakabangga ka na ng paatras. Talagang magmamarka sa iyo yung leksyon na yon haha!