Gumawa ako ng test, yung dalawang ipad mini (32gb at 16gb) inupdate ko sa ios7.0 using different methods, 1. Via WiFi and 2. Via Itunes 11.
Via WiFi
Swabe ang pag update less that 2 hours lang tapos na.
Via ITunes
It took me 8 hours to update. Napakabagal mag download at install.
It requires you to have at least 3gb of free space sa Drive C: ng PC.
Kayo? Anong method ang ginamit nyo sa pag update? Ganito din ba ang na experience nyo?
Nag tataka lang ako kung bakit at least 3.1gb ang free space na kailangan sa Ipad para makapag update ng 700+mb na IOS7?
Lugi yung 16gb na Ipad kasi kinailangan ko pa magbura ng mga apps para lang makaipon ng 3.1gb free space.