ito bro share ko lang, a good friend of mine started playing when he was 6yo. nag formal lessons din siya. medyo spoiled ng parents kaya oks lang kahit di masyado nakakapag school kasi medyo big time naman sila. gumaling siya man. ang tinapos niya grade 5 pare. so kung iisipin mo talaga, gagaling ka kung ganun ang oras mo. oo, gumaling yun siya mga bro. nag gig siya lagi sa mga prod hanggang sa naging sessionist at nagkaron ng income regularly. sa maalala ko, parang mga 5 days a week ang gig niya, 2-3 bars a day.
ngayon sa kita niya, nagkaroon na siya ng kotse at sariling appartment. masaya na siya sa ginagawa niya. pero noong 2007, naaksidente yung saskayan niya kasi sabi niya sakin, super antok galing sa gig. nabalian siya ng ribs at yung arm niya apektado na hanggang ngayon. di na siya nakakatugtog like before. wala na yung pinagkakakitan niya. at ang nakakalungkot, ngayon lang siya ulit babalik sa pag aaral at age 31.
ang sabi niya pa sakin, pare mahirap yung nangyari sakin, kasi ito lang ang meron ako, wala na din ang dad niya. so wala siya mapapagkakitaan ng maayos. ngayon nagbabantay siya ng computer shop ng friend namin. sabi niya pa sakin, sana nagaral man lang ako kahit hanggang college...
siguro, ang point niya...kung kaya mo mag aral, unahin mo yun, kasi iba yung may fallback ka if ever things don't turn out as planned. mahirap at nakakatamad minsan mag school pero, come to think of it...para naman sa buhay natin yan. peace mga bro.
touch ako papi!!! hehehe..
Pero ganto din advice sakin ng parents ko before... sounds like.
NANAY: SIGE BASKETBALL KA NANG BASKETBALL LANG!!! @#$%@@
TATAY: Hindi kita panag aral sa college para mag basketball lang!! @*#@#
Then lahat ng rubber shoes ko at sandals ginupit sa gitna!! hahaha hindi na ako maka basketball nyan!
Now, I am very grateful na gupitin nila mga sandals at rubber shoes ko.. kasi without doing so.. baka tambay nalang ako!!
Moral of the story is.... mahirap ang profession na KATAWAN ang puhunan... hindi mo masabi na 100% yung katawan mo parati..