nakaka lungkot naman. ilang taon sya?
3 years old palang dude.. nilagay ko nalang sya sa box, pag uwi ko kanina dalawang oras akong nagtibag ng bato pag uwi ko.. wala akong mahukay na lupa para paglibingan sa kanya.. sobrang no choice ako kundi ilagay yung box na kinalalagyan nya sa sako tapos ipakuha sa mga kumukuha ng basura.. sobrang naguguilty ako, naiyak ako sa sama ng loob kasi para ko syang itinapon lang pero wala talaga akong choice.. unless magrent ako ng jackhammer wala akong mahuhukay ng lupa dito sa lote namin para paglibingan sa kanya..
sobrang hirap sa pakiramdam na after ng time nya with me, sa sobrang lambing nya sakin at everytime na natutulog sya sa lap ko.. after ng lahat ng iyon di ko man lang sya mabigyan ng maayos na libing at itatapon ko lang syang parang basura.
haay sobrang lungkot ng araw na to