TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

The Music Forums => Free-for-all Artists forum => Topic started by: gandydancer123 on August 18, 2014, 11:54:29 AM

Title: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: gandydancer123 on August 18, 2014, 11:54:29 AM
Thread about the many DRAMA stories you and your band are having? Share a story or two...about the real life experiences of being in a band...the misunderstandings, the rumors, the pains...

Sinulot ba ng Vocalist syota mo? Mga Laging late at di nakakaattend ng rehearsals na mga miyembro, mga di nagdadala ng gamit...mga pa superstar...mga nanlalamang sa pera...etc...

Share your Story...
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: sonicassault on August 18, 2014, 12:49:14 PM
May banda ako dati, tatlo kami, isang vocalist, isang guitar (ako), tsaka isang percs/drummer. Ayaw ni singer kumuha ng bahista (hindi raw naririnig  :| ) kaya nag unofficial split kami: minsan sasama ako sa vocalist, minsan dun sa drummer (na agree na dapat may bassit kami), pero di na kaming tatlo sabay. So guys: importante ang bass!!

May isa rin akong banda, drummer ako dun, tapos yung gitarista namin ang daming ritwal! naghuhugas ng kamay sa mainit na tubig tapos magususuot ng gloves tapos ayaw tumingin sa audience bago at habang nagpperform. Isang gig nalaman ko kung bakit. Pag nakakita sya ng babae habang tumutugtog, namumula sya parang hotdog (literal!) tapos sumasablay naninigas yung mga daliri!  :lol:
Lesson: hanap kayo ng lead guitar na hindi torpe kundi yari kayo  :lol:
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: red lights on August 19, 2014, 08:50:33 AM

band do really have drama's and bullshiittts  :lol:  :lol:  :lol:

my first band was in high school, as a regular starting band, hiram ng gamit dito, hiram ng gamit doon. and wala ng praktis, basta alam mo ang chords salang na sa main event haha, it was teachers day sa school namin, absent yung vox namin dinaga haha, kaya kumuha na lang kami kung sino makapal ang mukha sa classmates namin, i remember ang tinugtog namin ay prinsesa, tapos paglisan dahl may nakijam samin na girl, tapos yung last namin lakas tama, kalagitnaan ng lakas tama, nawala yung tunog nung lead guitar namin (i play rhythm) yun pala naghugot na ng gamit haha, sabi nya sakin na sumimangot daw itsura ng mga teacher nung marinig yung lakas tama, kaya tumigil na sya at kaming naiwan eh hindi na alam ang gagawin haha, nagkabuhol buhol na. short lived band, pandagdag arsenal lang ang pagbabanda nun para pogi points sa nililigawan haha

Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: sonicassault on August 20, 2014, 08:24:35 AM

bad trip yung mga teacher na ganyan  :lol: parang sa school namin tumugtog yung Twisted Halo nung di pa sila sikat, ang aasim ng mga mukha ng teacher! tapos na-ban yung Kjwan sa school namin for a time kasi naghubad ng shirt si Marc Abaya  (pero natuwa naman yung ibang chicks na teacher) :lol: buti wala pang nasisipa na band galing sa school namin  :wink:
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: bakit? on September 11, 2014, 10:12:21 AM
yung 2 pc punk ska band ko dati 3 pc.

nag ka tour(naks) kami  sa norte for 5 gigs/5 days straight.

so praktis kami ng praktis, tas akala namain go lang yung bassist.

pagdating ng araw ng byahe, biglang nawala.

siste, kaming dalawa ng drumer nag ala white stripes.

punk ska na duo. oh ha?

nagpakalasing, nagpaka saya na lang kami sa mga gigs.

memorable yung sa mfpi(mountainerring umbrella org sa pinas) mid year climb sa tarlac. halos hubo na kami tumutugtog,dami chikas, dami alak, dami pulutan, dami jutes. taena woodstock. saya! dami ding banda na ug from tarlac, pampanga at manila. dami tao kasi mga mountaineering orgs sa pinas pumunta e. well madami din tents so, dami kami 'napasukan" nung drummer. hehe. :mrgreen:

yung next memorable yung sa cagayan.

since taga dun ako at pista sa aming munting barangay, sabi ko sa drummer ko tara inuman. so mga 7am nasa inuman na kami.as usual baha pulutan, baha alak.baha din ng lasing na kamag anak. ending ng kwento sa bahay ng tito ko, nag away away kami magkakamag anak na lasing. shocked na shocked drummer ko kasi kahit taga pasay sya at sanay sa mga kumag dun, di nya akalain na mag rarambulan kami sa inuman. tough love kasi sa aming pamilya lagi. gin pa naman ang paborito ng mga ilokano relatives ko.hahaha.

after nung inuman, hugas kami sa isang videokehan dun din sa barangay. andami ng lasing since hapon na to. di ko kilala. pinag ti tripan drummer ko kasi tisoy na madaming tattoo. naririnig ko balak bugbugin. tsaka hinahasel na kami sa kanta namin. ayaw na mag bigay ng mic. yung isang pinsan na kasama ko, sabi nya ano babaragan ko na ng bote. so tumayo. biglang list yung mga lasing sa ibang table(mga 20 siguro), tayuan lahat. biglang ingay, may tumatawag na agad ng resbak. kaming 3, naka hawak ng bote ang nakikipag ngaratan. sabi ko sa drummer kahit na anong mangyari, wag aatras. pero kung may pagkakataon tumakbo.  :-D.

ending ng kwento, dumating ang resbak nila. turns out mga batang pinsan ko na matagal ko na di nakikita yung mga mokong na nag titrip. hahaha. badtrip.

so natuloy gig namin sa tuguegarao, sabi ko sa organizer gisingin na lang kami pag kami na kasi wasak na wasak na kami e. kasabay ng summer slam yung gig btw. so nung turn na namin, e di set up. tas intro intro ako sa mga tao. pakilala, tas mga pasalamat. napapansin ko lahat ng tao nakahawak ng cellphone at nag tetext, oblivious sa sinasabi ko. haha. well, tinanggal ko sapatos ko tas sumigaw sa mic" kung gusto nyo ng sikat na banda na mga papogi, sa summer slam kayo pumunta". hahaha.

ayun. after ng gig na yun, ayaw na pumalo nung drummer sa mga banda ko kasi lagi daw may away. pero friends pa din kami. actually baka mag reunion.

yung prod na tinugtugan namin, haha well.oh well.okay pa naman sila afaik.

Disclaimer: We were never a musically gifted band. But we made sure rock and roll is never taken for granted. Haha.
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: gandydancer123 on September 11, 2014, 10:46:56 AM

AWESOME!
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: nicoyow on September 23, 2014, 10:09:42 PM
ako na tumigil sa pag aaral(college) at ung kapitbahay ko na laging nagigitara sa ilalim ng puno ng siniguelas. wala akong magawa, naburyo ako sa bahay kakapakinig ng white snakes at white lion(wala na kasing ibang cd e). lumabas ako ng bahay para bumili ng yosi, napasin ko tong kapitbahay namin na marunong pla mag gitara, so i approach him. then eventually i go and get my cousin's acoustic guitar sa bahay na konting panahon na lang pamamamhayan na ng anay at amag, in short nakatambak.

we get used to it. jam jam jam everyday. he learn something from me, i learn something from him. eventually nauso ung mga banda kids sa lugar namin. so the two of us got recruited, by a highschool student na gusto sumali ng battle of the bands sa lugar namin. so ayon dun nag start, the sad part was, musicality and influences separated us. he loves kamikazee, but me don't. i love red hot chili peppers, but he didn't. in short mas gusto ko ung luma. ayoko nung mga bago na naglabasan nung year 2000.

the time we got separated really tells whose music influence strive the most. he got gigs every friday night and saturday night (prod gigs). I, stick on what i always do, bedroom guitarist. but it didn't end there.

i became a member of a band named obra ni juan here in imus cavite. we started covering slapshock, dictalicense, kjwan and red hot chili peppers' songs and for two months we composed our three original songs, playing it in prod gigs by year 2008 and ended up disbanding before we got a notice that we could make it for Kaguluhan Music Festival.  :cry:

Drummer still pursuing his passion on music(current drummer of Enfilade).
Vocalist striving as a trike driver at night
Bassist became a teacher
Guitarist became a father of two and currently a factory worker
I (guitarist too) became a guitarist in church and still missing the days that i can play the music that i really want.  :cry:

Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: bakit? on September 24, 2014, 07:02:38 AM
magaling yung enfilade ah?anyway. nice read. lets ska!haha. :-D
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: gandydancer123 on September 24, 2014, 10:03:08 AM

nice share!
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: nicoyow on September 27, 2014, 05:14:28 PM
magaling yung enfilade ah?anyway. nice read. lets ska!haha. :-D

hahaha kilala nyo sila sir? oo magaling sila finalist ng RH music laban
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: jm the mute on September 29, 2014, 11:45:23 AM
hehe nice idea for a thread.

I've been in a lot of bands and I've seen and experienced my fair share of drama...pero nakakatamad I-kwento. basa-basa na lang ako dito
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: red lights on September 29, 2014, 11:52:57 AM

mas maganda sir kung may kwento ka, para dagdag basahin hehe  :-D
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: sonicassault on September 29, 2014, 11:55:24 AM
hehe nice idea for a thread.

I've been in a lot of bands and I've seen and experienced my fair share of drama...pero nakakatamad I-kwento. basa-basa na lang ako dito

pwede naman sir by chapter parang wattpad/candymag forums  :wink:
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: gandydancer123 on September 29, 2014, 11:56:34 AM
hehe nice idea for a thread.

I've been in a lot of bands and I've seen and experienced my fair share of drama...pero nakakatamad I-kwento. basa-basa na lang ako dito

Kwento naman!
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: jm the mute on September 30, 2014, 03:57:31 PM
I just realized that my band memories are not under the genre of "drama"...more on fun/adventure/comedy...the drama parts nakalimutan ko na hehe
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: sonicassault on September 30, 2014, 04:20:55 PM
I just realized that my band memories are not under the genre of "drama"...more on fun/adventure/comedy...the drama parts nakalimutan ko na hehe

ok lang yun! uso naman ngayon sa drama shows yung may mga comedy  :lol:
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: jepbueno on September 30, 2014, 04:32:39 PM
One of gandy's best topics? hehe

Banda namin noon, magkaaway kami ng isa pang gitarista (cold war) haha. Dumating sa studio for practice lasing at kung ano-anong pinagsasabi, so practice, then pagkababa sa kalsada, more words, tapos umalis iniwan ang gitara niya sa gitna ng isang busy street hahaha as in nakalapag. buti mabait si drummer dinala niya pauwi. hahaha

more recently early 2014, the vocalist said na "sayang ka" meaning para bang magquit na ako sa music after ko magquit sa banda namin haha. I was like "mas sayang oras ko sayo" hahaha
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: sonicassault on October 01, 2014, 08:39:39 AM

ooohh buurrrrrnnnn
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: red lights on October 01, 2014, 09:18:36 AM

sir sonnic kwento naman dyan
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: sonicassault on October 01, 2014, 09:40:46 AM
sir sonnic kwento naman dyan

nagkwento na ako sir eh, backread na lang kasi di naman exciting ang buhay banda ko dati  :lol:

pero sige eto na lang para hindi naman puro "drama"

yung banda namin na All Seats Taken, tatlo kami, isang drummer, ako gitarista, tapos yung bokalista namin na ogags. nag-audition kami sa music org namin, individually as soloists ng instruments namin, tapos as a band.

dahil ang motto ng banda namin ay "Hindi namin kailangan ng bahista, hindi namin kailangan magpractice" nag-audition kami ng originals na iniisip ang lyrics at orchestration on the fly. Dahil sobrang walang kwenta ng ginawa namin, nagpatawa na lang kami habang tumutugtog. Pagkatapos ng set namin, sabi sa amin

"Ok guys, ganto ah, hindi kayo pumasa sa band auditions, pero ipapasok namin kayo sa artist pool. Special case. Ang laugh trip nyo kasi. Pwede kayo maghost ng mga events natin pati na rin magtech." (wala pa kasing tech department nun)
 
So yun, nakapasok kami sa org pang comic relief.  :lol:
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: red lights on October 01, 2014, 09:45:12 AM

hahaha nabasa ko na yung una mo kwento, baka lang may iba pa. pero parang napanood ko na yan All Seats na yan, di ko lang matandaan kung saan at kelan.
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: sonicassault on October 01, 2014, 09:54:06 AM

hahaha nabasa ko na yung una mo kwento, baka lang may iba pa. pero parang napanood ko na yan All Seats na yan, di ko lang matandaan kung saan at kelan.

dalawa lang yan, sa campus ng Ateneo o kaya sa isang home for the aged  :lol:
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: silverbolt1097 on October 01, 2014, 11:32:31 AM
Maganda nga tong thread nato.

Share ko story ko with my bands pero shortcut version na ito with each band member to get to the point. Recently lang ito nangyari.

I learned a hard lesson sa banda kong ito so sana magsilbing aral din senyo.

So here goes:

Vocalist problem:
4 years na ang banda namin pero hirap pa rin kami makakakuha ng vocalist na babae. We had a few pero hindi rin nagtatagal. We kicked out our original vocalist na nasa hustong edad na (24 yrs old at may dayshift call center job) dahil may curfew sya na hanggang 10pm lang otherwise, hindi sya papapasukin sa bahay nila ng nanay nyang martial law pa rin ang pagiisip. Nagkaroon din ng attitude problem so tinanggal namin sya. Magaling sana. Yung pumalit sa kanya, nabuntis naman so hindi na nya magagampanan ang duties nya. The next one quit after 2 jam sessions lang kase daw mataas masyado ang range ng mga pyesa namin samantalang alumni sya sa center for pop music at nagbabanda rin dati na katulad ng genre namin. The last vocalist decided to migrate to another country after telling us na hindi na nya itutuloy ang pag-alis nya a few months after we took her in as our singer.

Drummer problem:
usual issue ng pagbabanda ay yung laging late. Medyo mahirap din ang sitwasyon nya because he lives in Novaliches pero late pa rin kahit sa Cubao na ang jam namin!!! Wala rin sya gamit so naging hassle talaga. Gusto pa nya akong palitan as the band leader eh ni magtextback nga hindi magawa. Naka-postpaid subscription na sya nun sa pisong text hindi makareply. Buwiset!!! He's probably the only member in the band that I totally despise. Hindi ko lang ma-let go at that time kase mahirap maghanap ng drummer na influenced din ng genre namin. Mabuti na lang sya na mismo nagquit at nakakuha kami ng mas magaling sa kanya.

Guitarist problem:
Magaling syang gitarista. Maalam sa scales and modes. Perfect sya sa banda ko. On the spot nyang kayang lagyan ng mga solos kapag soundcheck namin. Eto yung laging may sakit. I don't know if he's just bluffing pero kase there were instances na obvious na ayaw nya pumunta ng practice at gusto ipa-cancel ang sked namin. Simpleng ubo o sipon, magtetext na pass muna sya. Ayaw na ayaw ko ang nagpapacancel ng sked namin sa studio lalo na kapag mahigpit ang studio owner. Another problem with this guitarist is he has this attitude na ayaw nya magjam or mag-composition sessions kapag walang vocalist. Hindi nya makuha ang point na Dream Theater actually finished all the songs sa Images & Words album nila WITHOUT James Labrie!!! For crying out loud, eto ang pinag-awayan talaga naming dalawa. All-out war kami dyan sa FB chatroom ng banda namin.

Keyboardist problem:
Another indispensable bandmember. Sa genre namin, mahirap makahanap ng tulad nya. Fun to be with. Comedy relief ng banda. Ang ayaw ko sa kanya - TAMAD!!! Nafrustrate ako sa isang gig namin last year. We were playing this song when suddenly he was playing it in another key. Nung napanuod ko ang video, ibang song pala ang tinutugtog nya!!! Either he's dumb enough to realize that he's playing an entirely different song or he's just too wasted nung mga panahon na yun. Eto ang matindi, Nung nagka-GF, ayun nakalimutan ang pagbabanda. Lahat ng oras napunta sa gelpren. Natugtog na ng mga cheesy love songs sa practice namin at tamad na rin mag-ensayo sa bahay. Dinadaan sa joke time pag nakakalimutan ang simpleng intro na matagal na namin tinutugtog.

At sa 4 years na itinagal ng bandang yan, one original song ang na-accomplish namin. Kung hindi ko gagawan ng lyrics at riffs, hindi masisimulan. Haizzzt!!!

Sa isa ko namang banda, wala kaming bassist na kasing edad namin na pareho din ang influence so I decided na kumuha ng bassist na may banda na. Ok na sana ang banda naming ito until nagsabi sya na hihiramin nya muna ang drummer namin to play in his band. Little did I know na gagawin nyang permanent member ng grunge band nya ang drummer namin. I was double-crossed here kase hindi rin sa akin sinabi ng drummer na ginawa na pala syang main drummer dun sa bandang yun. Ang masaklap, na-eche puwera kami. Mas marami daw gigs ang grunge band nila so kaunti na lang ang panahon nya sa banda namin and decided to quit. To give you guys a hint kung sino yun, he's the head of a production na puro grunge at hardcore metal ang tugtugan dito sa south. I have every right to go ballistic dahil drummer ko yung sinulot nya na ako din mismo ang nagpakirap maghanap dun. Di bale sana kung ipinaalam nya sakin ng maayos, ok lang. Dinisband ko na din ang bandang yun because of what happened.

That's all, folks. Some of you may disagree with what I said here pero the long and short of what these are all about is wag kayong kukuha ng mga band members na may attitude problem. Para silang mga alimango sa basket na hihilahin ka pababa.
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: gandydancer123 on October 01, 2014, 12:31:26 PM

Wow.....good read! This is the real deal folks..hmm kaya pala masaya na yung kabanda kong pro sa amin kahit di nsman kami hataw sa te hnical skills...kasi dedicated..laging sumisipot..at into the band music kami..hehe

Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: red lights on October 01, 2014, 12:46:27 PM

karamihan talaga sa nagbabanda, pa-rakstar eh
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: silverbolt1097 on October 01, 2014, 01:09:35 PM
Kung kayo ang tipo na bandleader or bandmember na may goal/vision/mission sa music or sa pagbabanda, I suggest salain nyo mabuti ang mga myembro nyo. Kaya nga OC nako pagdating sa ganyan. Pag nakitaan nyo ng attitude problem sa una pa lang, kick them out of the band ASAP before they do damage.
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: red lights on October 01, 2014, 01:15:31 PM

medyo masakit din kasi kapag ganun na lumipat ng ibang banda yung kabanda mo na nahasa dahil sa inyo
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: silverbolt1097 on October 01, 2014, 01:31:34 PM

medyo masakit din kasi kapag ganun na lumipat ng ibang banda yung kabanda mo na nahasa dahil sa inyo

the drummer actually still plays for my two new bands as a drummer and bassist respectively. ang problema is paano kung nagkasabay na kailangan ko sya sa isang banda ko at kailangan din sya sa grunge band nya.
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: jm the mute on October 01, 2014, 04:10:53 PM
instead of sharing a story, eto na lang:

http://unveilmusic.com/10-signs-its-time-to-quit-your-band/

i think the most dramatic moments (naks) in my band life was during the few times that i had to decide if i had to quit.
and mababaw man isipin, this was the list that i used as parang "checklist". i can't find the original site where it was posted pero i found the list reposted at unveilmusic.com.

Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: vinceparil on January 10, 2015, 01:41:25 AM
When a band is just too busy with school, it's just hard to be serious with making original music.  :cry:
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: aglozada on February 04, 2015, 10:34:12 AM
5 kami sa banda dati: lead guitar, rhythm guitar, bass, drums, at vocalist. Angsaya namin noon. Laging may laughtrip at foodtrip bawat practice session. Bilang nagsisimula palang, syempre puro cover songs. Mula sa pagcocover, dinedevelop namin ang playing skills namin individually, at as a band. Nakasali sa ilang battle of the bands, may napapanalunan, syempre meron ding mga olats pero ok lang, masaya naman kaming nakatugtog. Andyan din ang mga gigs, na kailangan lang namin magbenta ng tickets para makasali sa line up. Sa mga kaibigan lang din namin binebenta. para nadin mapanood nila kami. haha

After 1 year, medyo nagiging busy na sa school. College kaming lahat noon. Nababawasan na ang sessions namin. Saktong eto ang time na nagsisimula na kami magcompose ng sarili naming kanta. Nakabuo naman kami ng 1 kanta, at marami pang nakaimbak na riffs at melodies na naghihintay lang na may madugtungan para maging buong kanta narin.

Kahit medyo busy na kami, mukhang ok parin ang pinatutunguhan nung banda. So tina-try padin namin paglaanan ng oras. Until one day...

Nagmigrate si rhythm guitarist sa ibang bansa. Ayaw sana namin na 4 lang kami sa lineup, kasi swak sa 2 gitarista ang mga kanta namin. Pwede naman gawan ng paraan na 1 gitara lang, pero iba parin talaga ang dating ng tunog kapag kumpleto. Hindi pa naman kaya punan ng vocalist namin ang guitar parts ni rhythm guitarist. At mas maganda talaga kung walang gitara si vocalist, mas nakakagalaw sa stage (malikot yun, parang autistic. haha). Tinry namin kumuha ng kapalit. Nakasali pa kami sa isang battle of the bands. Pero after noon, wala na. Parang laging masyadong busy sa ibang bagay yung nakuha naming kapalit, so mahirap ang schedule. At syempre, iba parin yung original line up.

In the end, disband.

<insert MMK piano sound here  :cry:>
hahaha

Ayun, nagpatuloy kami sa kani-kaniyang buhay. Si rhythm guitarist, pinagpatuloy ang pag-aaral sa ibang bansa. Ngayon, licensed nurse na at nagtatrabaho na doon. Si drummer, di nakapagpatuloy ng college at nagtrabaho na agad noon dahil kailangan. Si vocalist, college grad at nagtatrabaho na ngayon. Si bassist, licensed pharmacist na. BTW, babae si bassist. Nagkatuluyan sila ni vocalist. Kasal na sila ngayon at may baby na sila  ^-^. Ako, engineer na at nagtatrabaho... at recently, sinusubukang magbalik-loob sa paggigitara. Balik-noob ulit, mukang di kakayanin ng 1 litrong WD40 ang pangangalawang ko. haha. Ang mahalaga, buhay parin ang passion for music kahit ibang karera na ang pinasok... Ang masama, unti-unti na ko nakakaramdam ng sintomas ng GAS. hahaha
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: gandydancer123 on February 04, 2015, 10:59:35 AM

ganda ng story man! same here.. sarap din ng memories of youth..and now music will always anf forever  be here...as much as possible naghahanap ng matutugtugan..hehe best outlet in the world eh..plus dag dag mo pa yung pagkaadik sa gear at pedals..hahaha..

stuff that keeps you young!

congrats! tuloy tuloy lang yang pagbalik loob sa musika at pagtugtog!!
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: jm the mute on February 04, 2015, 11:15:54 AM
When a band is just too busy with school, it's just hard to be serious with making original music.  :cry:

ang style ko, dati, para hindi ako mashado I-hassle ng parents ko sa pagbabanda during college days was making sure pasado ako sa lahat ng subjects at walang bagsak/repeat. I also made sure that wala akong hihingin nn additional pera sa kanila for gear & band expenses (except for one time when I asked for a new electric when they learned na may ibabalik na pera yung health insurance ko...I don't know how that works pero the money was enough to buy me an RJ strat).

I didn't find studying a hindrance to my creativity. ewan ko baka depende sa tao.
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: gandydancer123 on February 04, 2015, 11:37:48 AM

ang style ko, dati, para hindi ako mashado I-hassle ng parents ko sa pagbabanda during college days was making sure pasado ako sa lahat ng subjects at walang bagsak/repeat. I also made sure that wala akong hihingin nn additional pera sa kanila for gear & band expenses (except for one time when I asked for a new electric when they learned na may ibabalik na pera yung health insurance ko...I don't know how that works pero the money was enough to buy me an RJ strat).

I didn't find studying a hindrance to my creativity. ewan ko baka depende sa tao.

same here, I did well in school..did my best and had a freaking awesome time rocking out... music was never an issue back then..and i wasnt a gearhead too so halos walang gastos..
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: jm the mute on February 04, 2015, 01:31:01 PM
same here, I did well in school..did my best and had a freaking awesome time rocking out... music was never an issue back then..and i wasnt a gearhead too so halos walang gastos..

I think the point is music shouldn't be stressful. dapat sya yung pampa-release ng stress. it shouldn't be something you are not happy doing. dapat sya yung pampa-relax mo after sa pagod mo sa school or work.

another tip para di ma-hassle ng parents sa pagbabanda is to let them know that you are with good company. choose your friends and bandmates, yung di ka ipapahamak kahit puyatan at malayo ang venue ng gig.
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: aglozada on February 04, 2015, 03:05:32 PM
Ang problema lang sa music at pag nagiging busy na sa school, kung iba-iba kayo ng school ng bandmates mo, anghirap magset ng common time. Anyway, kahit hindi man makasama ang banda kasi kani-kaniyang kabusyhan sa school, naggigitara padin ako mag-isa noon sa dorm from time to time... until nagsabay-sabay ang projects at exams... at dumating ang thesis. hahaha
Title: Re: Band Drama: Kwento naman dyan!
Post by: RecklezlyEdward on February 16, 2015, 01:07:55 PM
"Musical Differences"   :lol: