hulika

Author Topic: Wala na bang 60's, 70's to 80's ROCKERS dito?  (Read 3678 times)

Offline ozborne

  • Senior Member
  • ***
Re: Wala na bang 60's, 70's to 80's ROCKERS dito?
« Reply #50 on: September 16, 2016, 03:55:45 PM »
Ten Years After ka pala sa akin. Ibig sabihin, 10 years younger. Syempre, yung bell-bottom, batch ko ang nag-umpisa ng bellbottom na yan nung 1st year high school. Nung
elementary kasi(bago '67), de-baston ang uso, bawal naman sa iskwela, porma ka kapag meron kang Levi's Strauss(wala pa kasing mga local na maong
mass-murder, EH!, mass-production. Uso sa amin nun ang patahi(sikat ka kapag Fifth Avenue ang tarheta ng pantalon mo laluna bell-bottoms). Madalas naman dun sa pinagpapatahian
namin, hindi nasusunod yung exact na design o sukat, hahahaha.

Mahilig din ako actually sa jazz music, laluna jazz-rock gaya nina Larry Carlton, Allan Holdsworth, 60's-70's-80's to present sila.

Rockabilly---Stray Cats, Danny Gatton(RIP, guitar hero)

Sayang nga pala yung mga vinyl ko nun, nangailangan kasi ako ng pera saka hindi ko na maalagaan, e, nabenta ko ng palugi. Sayang. ang meron na lang ako mga cassette tapes
pero mukhang masasayang na rin at parang nauubos din pala yung magnetic sensitivity nun.Nalulukot pa sa katagalan yung mismong tape sa loob at naninikit na.
  Talagang Woodstock Generation ka pala Sir Rogu Rats ...   hehe pero still rocking   di ko na naabutan magsuot ng bell bottom,  baston na ang uso ng magbinata ako tama ka ang mahal ng orig na Levis noong araw
at doon ka lang makabili sa mga PX stores kaya nauso mga imitation at patahi.  nagpatahi din ako noon  six pockets at bagsak ang bulsa mga Levi's imitation pero ang lalaki ng bulsa sa likod haha naabutan ko din  ang pagsuot ng mga "bakya" wooden slippers kahit sa kalalakihan at mga sandals na balat kung tawagin "one finger" mga pang jeproks dati.  Dami ka mabili niyan sa may Sta Mesa at Recto.   

Sa ngayon nag mellow na taste ko sa music at nahilig ako sa mga instrumental piano, flute, saxophone o mga Smooth Jazz.. Art Pepper, Miles Davis,  meron din ako mga collection ng mga Chillout music, Ambient at New Age at para panggising me Trance collection din ako pero lahat digital, downloaded kulang sa budget para sa original hehe...
oo nga kung hindi sa internet at mga Youtube di ko maibabalik ang nakaraan para makapanood ng mga concert ng Pinoy rock gaya ng Juan De la Cruz at Gary Perez, Sampaguita... bata pa kasi ako masyado noon para manood ng mga concert.  Sayang di na preserve ang concert series ng New Moon at iba pang classic Pinoy Rock concert.   
(BTW)   Meron na pala Battle of the Bands noong 70"s  kasi yun sinasabi ko ng manalo ang AMO band ay 80"s na ito...
« Last Edit: September 16, 2016, 04:00:11 PM by ozborne »
"one is too many a thousand is not enough"

Offline ozborne

  • Senior Member
  • ***
Re: Wala na bang 60's, 70's to 80's ROCKERS dito?
« Reply #51 on: September 18, 2016, 05:23:18 PM »
Maswerte rin nga ako, salamat sa computer at internet, yung mga walang chance na mapanuod nun, napapanuod ko sa YouTube, gaya ng live performances ng---
Lynyrd skynyrd, Atlanta Rhythm Section, Allman Brothers band, etc. mga Southern bands na may mga namatay na mga myembro____sayang sila, saka kanina lang pinapanuod ko yung Stray Cats,
Live at Montreaux, '81, batang-bata pa sila, wild na wild....tapos pinanuod ko rin yung performance nila same venue pero 2007 yata, matatanda na rin at nagsitabaan, pero bawas na ng malaki yung pagiging wild,siguro feeling awkward na sila.

Hindi na rin ako nakakapakinig ng radyo ngayon komo meron na ngang internet, pero nasisislip ko yung RJ-TV kapag Sunday sa umaga, meron silang program na mga videos
mostly rock, o kaya surf music. Ok naman.

Itong computer at internet, actually meron akong mga kasing-edad na ayaw nilang gumamit, maybe out of pride or something. Tingin ko,malaki ang nami-miss out nila.

Bloodrock, songs like Jessica, DOA.....   

   Malaki tulong talaga computer at internet  dahil nga sa Youtube nakakapanood ako ng mga concert na maaring di ko na makikita ng live.   oo sayang talaga yun bandang Allman brothers at
Lynyrd Skynyrd namatay ang mga miembro ng bata  dahil sa aksidente.  mostly nakinig nalang ako ng music sa aking MP3 player kaya di ko na alam baong banda foreign and local ganun yata kung mag Golden years na 
Meron pala bandang "Bloodrock" ngayon ko lang narinig...haha sorry na miss ko yan ng kabataan ko.  oo minsan na encounter ko din yan Stray Cats meron sila isang song na nai download ko with Dave Edmunds
naalala ko dami akong songs from Brian Setzer Orchestra pero mukhang na misplace na din sa loob ng hard disk.
sa ngayon medyo pabalik na sa classic ang hilig ko like Ventures, Chet Atkins, Richard Clayderman, Kenny G.   James Last Orchestra ...at ilang relaxing at meditative music 

"one is too many a thousand is not enough"

Offline rogu_rats

  • Senior Member
  • ***
Re: Wala na bang 60's, 70's to 80's ROCKERS dito?
« Reply #52 on: October 05, 2016, 09:29:34 AM »

Sorry, 'tagal akong nakabalik...yep, yang grupong Bloodrock, di mo aakalain na 70's na sila tumutugtog pa rin, medyo marupok na singer siguro dahil nga sa edad...
2015----https://www.youtube.com/watch?v=U4mYFM2tEEg----
2005----https://www.youtube.com/watch?v=5xYWvGCYFUk&list=PLw_gMX8fSSnBTqMo0BLEwp3F3f4dW-eFo-----
70's-----https://www.youtube.com/watch?v=X_2_5XGzyeo----
« Last Edit: October 05, 2016, 09:37:19 AM by rogu_rats »
Nothing is easy;

But doing nothing IS!

Offline marzi

  • Ang Na Ang Na!
  • Philmusicus Supremus
  • ******
Re: Wala na bang 60's, 70's to 80's ROCKERS dito?
« Reply #53 on: October 07, 2016, 11:44:38 AM »
ako malaki pasasalamat ko sa quiapo dahil nabigyan ako ng chance na maka catch up. yung mga dvds na hindi ko mahanap sa astro o odyssey sa kanila ibilin mo lang, pagbalik mo next week meron na.

nakabili ako ng Rainbow Bridge na movie with Hendrix tsaka yung Beatles docu na magulong panoorin. pati Cheech and Chong films meron din.
I turn myself into a monster to fight against the monsters of the world.

Earth Crisis - Nemesis

Offline ozborne

  • Senior Member
  • ***
Re: Wala na bang 60's, 70's to 80's ROCKERS dito?
« Reply #54 on: October 10, 2016, 01:11:42 AM »

me tagahanga ba ang ROlling Stones dito   me bago na naman sila album akala ko
nag retire na itong mga ito puede pa pala mag rock n roll haha
"one is too many a thousand is not enough"

Offline rogu_rats

  • Senior Member
  • ***
Re: Wala na bang 60's, 70's to 80's ROCKERS dito?
« Reply #55 on: November 13, 2016, 07:45:41 AM »

me tagahanga ba ang ROlling Stones dito   me bago na naman sila album akala ko
nag retire na itong mga ito puede pa pala mag rock n roll haha
@ozborne

Salamat bro sa post na yan. Hindi ko nabalitaan ang bagong album sa iba.

Maraming kanta ang Stones na pinakikinggan ko pa rin hanggang ngayon dahil sa originality ng sounds nila.
Lalung-lalu na yung Mick Taylor era.

Satisfaction, Start Me Up, Brown Sugar, Under My Thumb,  and many, many more.

And so it goes na ,"Matter doesn't age, and age doesn't matter in ROCK!"

70-year olders na ang mga yan, and they're still kicking.

One thing, Keith Richards was guwapong-guwapo in the early times that I wished back then I had the same looks. Pero, look at him now, hehehee....
Nothing is easy;

But doing nothing IS!

Offline rogu_rats

  • Senior Member
  • ***
Re: Wala na bang 60's, 70's to 80's ROCKERS dito?
« Reply #56 on: November 13, 2016, 07:58:55 AM »
ako malaki pasasalamat ko sa quiapo dahil nabigyan ako ng chance na maka catch up. yung mga dvds na hindi ko mahanap sa astro o odyssey sa kanila ibilin mo lang, pagbalik mo next week meron na.

nakabili ako ng Rainbow Bridge na movie with Hendrix tsaka yung Beatles docu na magulong panoorin. pati Cheech and Chong films meron din.
@marzi

Hindi ko alam yang place na na-mention mo, bro. San sa Quiapo? Hindi na rin kasi ako kasing-layas nun.
Madalas akong mag-"window-shopping" dun nun. Nung mga bandang 60's to 80's(?), merong shops ng mga 2nd hand o "Taiwan" na vinyl discs
sa Quezon Blvd. malapit sa pedestrian overpass sa Raon. Pero hindi pa kasi uso video nun.

Anyway, ok yang Rainbow Bridge, pero wala pa 'kong video nyan. Saw it sometime nung uso pa VHS tapes na rental. Hear-My-Train-A-Coming favorite ko.
Pero meron akong hinahanap na version live, kung meron video(alam ko parang nakita ko na nuon) yung Berkeley version. Audio version madali lang
ma-download.
Nothing is easy;

But doing nothing IS!

Offline ozborne

  • Senior Member
  • ***
Re: Wala na bang 60's, 70's to 80's ROCKERS dito?
« Reply #57 on: November 26, 2016, 11:50:12 PM »
welcome Sir Rogu Rats ...   Oo nga kabilib yun staying power ng Stones hanggang ngayon
bumebenta pa din sila sa kabataan at matatanda at napanatili nila yun mga original members
 liban ke Ron Wood.  ok kasi ang mga melodies nila di nagbago style old school Rock and roll'.

Napanood ko minsan sa video ng nandoon pa si Mick Taylor nakatayo lang siya sa likod habang nagigitara taliwas sa
ibang member ng Stones ang lilikot sa stage.   Nag resign daw siya dahil di niya nakaya ang rock and roll lifestyle ng grupo
Pero si Keith Richard talagang abusado hehe
« Last Edit: November 27, 2016, 04:34:17 PM by ozborne »
"one is too many a thousand is not enough"

Offline rogu_rats

  • Senior Member
  • ***
Re: Wala na bang 60's, 70's to 80's ROCKERS dito?
« Reply #58 on: November 28, 2016, 09:52:34 AM »
welcome Sir Rogu Rats ...   Oo nga kabilib yun staying power ng Stones hanggang ngayon
bumebenta pa din sila sa kabataan at matatanda at napanatili nila yun mga original members
 liban ke Ron Wood.  ok kasi ang mga melodies nila di nagbago style old school Rock and roll'.

Napanood ko minsan sa video ng nandoon pa si Mick Taylor nakatayo lang siya sa likod habang nagigitara taliwas sa
ibang member ng Stones ang lilikot sa stage.   Nag resign daw siya dahil di niya nakaya ang rock and roll lifestyle ng grupo
Pero si Keith Richard talagang abusado hehe
Oo bro. Hanggang ngayon, amused pa rin ako sa music-video ng "Start Me Up" dahil sa moves nina Jagger/Richards/Woods(Watts as drummer is ok)
, no wonder 'moves like jagger' was a hit among youngsters lately, even though many of them doesn't have any idea who Jagger is.

Yes, I do believe Mick Taylor(love "Slow Blues"...the best) was serious about his music, more than the other members of the Stones, which might be the very
earliest face of "sex, drugs and rock-and-roll"

Paint It Black is one favorite, and it always reminds me of a 70's Vietnam-war TV series, its opening theme. 'wonder what the title was of that
show?
Nothing is easy;

But doing nothing IS!

Offline marzi

  • Ang Na Ang Na!
  • Philmusicus Supremus
  • ******
Re: Wala na bang 60's, 70's to 80's ROCKERS dito?
« Reply #59 on: November 29, 2016, 10:30:41 AM »
Free

napaka short-lived ng buhay nitong band na to. but the song All Right Now is a staple and a must hear if were talking music from the era they became popular.

Cheap Trick

i first heard I Want You To Want Me as a cover song by the band Letters to Cleo ramdam ko na may classic feel yung song. i went digging and thats how i found out that its a Cheap Trick original. listened more to their songs and i fell in love with Gonna Raise Hell hahaha. i also love that Essential Album Cover, i think thats what got me interested into cafe racers.
I turn myself into a monster to fight against the monsters of the world.

Earth Crisis - Nemesis

Offline ozborne

  • Senior Member
  • ***
Re: Wala na bang 60's, 70's to 80's ROCKERS dito?
« Reply #60 on: November 30, 2016, 07:37:58 PM »
Oo bro. Hanggang ngayon, amused pa rin ako sa music-video ng "Start Me Up" dahil sa moves nina Jagger/Richards/Woods(Watts as drummer is ok)
, no wonder 'moves like jagger' was a hit among youngsters lately, even though many of them doesn't have any idea who Jagger is.

Yes, I do believe Mick Taylor(love "Slow Blues"...the best) was serious about his music, more than the other members of the Stones, which might be the very
earliest face of "sex, drugs and rock-and-roll"

Paint It Black is one favorite, and it always reminds me of a 70's Vietnam-war TV series, its opening theme. 'wonder what the title was of that
show?

na pa search tuloy ako parang Tour of Duty yata iyan TV series na iyan pero parang early 80,s na ito inspired by the movie "Platoon" pinagbidahan ni Charlie Sheen (OT)

pero that time di ko pansin ang music ng "Rolling Stones" mas dig ko ang Beatles,  kaya kunti lang ang alam ko title ng kanta nila (RS) pero tama ka very original sila at creative kahit magkaribal sila ng Beatles di nila kinopya ang tunog ng isat isa meron silang sariling style. 

Si Jagger yata ang idol ni Pepe Smith magkapareho sila ng moves .... 

ng mawala na si Mick Taylor nag iba na ang tunog ng Stones na wala yun mga blues guitar solo..
"one is too many a thousand is not enough"

Offline ozborne

  • Senior Member
  • ***
Re: Wala na bang 60's, 70's to 80's ROCKERS dito?
« Reply #61 on: November 30, 2016, 07:44:38 PM »
Free

napaka short-lived ng buhay nitong band na to. but the song All Right Now is a staple and a must hear if were talking music from the era they became popular.

Cheap Trick

i first heard I Want You To Want Me as a cover song by the band Letters to Cleo ramdam ko na may classic feel yung song. i went digging and thats how i found out that its a Cheap Trick original. listened more to their songs and i fell in love with Gonna Raise Hell hahaha. i also love that Essential Album Cover, i think thats what got me interested into cafe racers.
   Naririnig ko din itong bandang Free pero di ko alam ang mga kanta nila parang one hit wonder yata itong banda na ito 
 gaya ng "Rare Earth" me maganda sila kanta titled  "Get Ready" meron long version ito parang 20 minutes  with keyboard and drum solo
karaniwan sa mga banda noong araw pang trip...
 Sa Cheap Trick gusto ko kanta nila "the Flame" slow rock ganda ng boses ng vocalist. 

"one is too many a thousand is not enough"

Offline marzi

  • Ang Na Ang Na!
  • Philmusicus Supremus
  • ******
Re: Wala na bang 60's, 70's to 80's ROCKERS dito?
« Reply #62 on: December 20, 2016, 07:06:16 AM »
Sa Cheap Trick gusto ko kanta nila "the Flame" slow rock ganda ng boses ng vocalist.

yung song nila na Surrender may feel na parang pwedeng i-linya sa The Outfield - Your Love. halos same groove. pang Sunday driving hehehe
I turn myself into a monster to fight against the monsters of the world.

Earth Crisis - Nemesis

Online Drummeroo

  • Formerly known as "Iyan"
  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Wala na bang 60's, 70's to 80's ROCKERS dito?
« Reply #63 on: January 19, 2017, 08:41:48 PM »
Simple Minds, siguro isa na yan sa paborito kong 80's Rock band
Wala ka na nga hitsura, wala ka pa diskarte. Wala ka talaga.

Offline boybawang

  • Netizen Level
  • **
Re: Wala na bang 60's, 70's to 80's ROCKERS dito?
« Reply #64 on: April 27, 2017, 10:37:52 AM »
80's ako pinanganak. Mga grade 1 yta ako nung masimulan ako makinig sa mga 60's, 70's, 80's rock dahil sa mga uncle ko.
I remember nakikiheadbang ako sa kanila as a child :D pero di ko nmn gets kung bakit haha.
Tas, literally, nakaukit sa bakod ng lola ko ang mga band names like, Rainbow, white snake, lynyrd skynyrd, scorpion, black sabbath, etc..LOL
Then high school na ko nung maappreciate ko tlga sila
« Last Edit: April 27, 2017, 10:47:13 AM by boybawang »