Kanina pumunta dito ang tropa ko, dala nya ang video card nya. Parehas kaming naglalaro (in my case NAGLARO) ng Skyrim, pero ang reklamo nya, mabagal daw, so tinanong ko kung anong specs ng PC nya:
2.3 GHz intel dual core something (over clocked to 2.8 GHz sa pagkakatanda ko)
2 GB RAM
Radeon HD 6770 (new)
Nagtataka ako, akala ko ang intel, kahit mababa ang clockspeed, palaban. So tinry nya ang GPU nya sa PC ko:
3 GHz AMD Athlon II (Dual core)
2GB RAM
Grabe, dramatic ang changes sabi nya. Ang bilis, nagtry kami ng several games, Skyrim, Crysis 2, Apache Air Assault, Prototype. 30 - 40 FPS ang kinalabasan ng lahat on MAX settings. So ang conclusion namin is, hindi pwedeng isa lang sa components ang maganda, kelangan lahat sila.
Kelangan ko na ng bagong video card.