Panlaban sa PUYAT = TULOG
tama nga naman. haha.
pero ang pag2log ng maaga regularly ay hindi mo kayang gawin ng isang tulugan lang.
kelangan mo practisin, pero dahan dahan lang dapat.
kunwari nasanay ka ng 3am matulog, bukas matulog ka ng 2:30, tapos next week 2:00 tapos next next week 1:30. ganon.
pero kung gusto mo makatulog ng maaga kelangan maaga ka din magising.
effective ang maghanda ka ng isang baso ng tubig sa tabi ng kama mo.
kasi sa umaga, kapag dumilat na mata mo, external senses palang ang gising sayo, tulog parin mga internal organs mo, yan ang reason kung bakit tinatamad ka bumangon hanggang sa makatulog ka ulit.
isang baso ng tubig lang para magising talaga katawan mo.
problema ko din yan eh, ginawa ko, tinapatan ko ng mic ung cellphone ko, tapos sa speakers na kay lakas lakas. effective naman nung simula pero nung nasanay na ako, di na ako natitinag.
kung pangarap mo talaga maging musikero, dapat tanggapin mo na na lagi kang mapupuyat, cguro ang sagot nalang, gawin mong regular ang pagpupuyat at gumising ng tanghali. at least mahaba parin tulog mo. yan ang pinili mong buhay eh. hehe