hindi oks yung mga replica sa sta mesa. kung ako sayo, kuha ka na lang ng orig na floyd rose trem. tignan mo yung base plate.. yung sa raon/sta mesa, bka manipis.. at bka mangalawang agad. yung orig floyd rose, makapal tlga at treated at designed na yung bakal to be strong and stable..
kung makakahanap ka rin, kunin mo yung ibanez lo pro edge.. or kahit yung edge. yan ang panalong trem.
tignan mo na rin ang kahler at schaller floyd rose locking trems. ok din yun. meron sa
www.stewmac.com yung schaller sa pagkakaalam ko.
yung nakakabit sa n2 ko ngayon, yung itim na nabibili sa jb.. 3.5k ata yung set na kasama yung lock nut.. ok naman. stable siya. pero comparable lang tong quality nito sa ibanez lo trs or trs systems. actually mas makapal pa tong binebenta sa jb kesa sa lo trs ko dati sa ibanez rg ko.
nabasa ko rin dati na hanapin mo yung trem na pag nag divebomb ka, eh dapat nsa tono pa rin yung G string (ang sama pakinggan haha).. kasi sa G string andun yung pinaka mlupet na tension. dun mo malalman kung stable nga or nde tlga yung system.