Ako pala nagstart ng thread na to. HAHAHA nakalimutan ko, tapos ako pa yung di nakabili.
Anyway... Kagabi galing ako TMS Alimall, may 3 silang UPC535 dun na stock, meron ding 500, at yung pinakamaliit. Out of stock yung pinakamalaki (may isa pa pero reserved na daw). Last week lang dumating yung mga pedalboard na yun pero bilis maubos daw talaga. Nagpareserve ako ng isang 535 which I'm planning to get within this week. Nagiisip lang ako paano ko malalagyan ng plywood yung loob para umangat ng konti mga pedals, pati yung rubber footing balak ko palitan.
Meron ba dito gumagawa ng pedalboard na flat? yung kaya din lagyan ng aluminum sa side and handle? Yun sana plano ko. hehe. Pati saan nakakabili ng velcro na ok talaga? Meron kaya sa Ace?
Sa mga gusto ng Stagg, check nyo sa alimall... I think bago na prices nila, parang nagmahal na.. 535 is P1,895, yung UPC500 naman is P1,795.. Di ko alam kung ganun din sya dati o nagmahal. I'm using PTjr as of now, pero balak ko palitan kasi sobra bigat, at di na makahinga pedals ko sa sikip nila. haha.