pasintabi lang sa mga audio professionals, pero what helped sakin to get rid of unwanted boominess and reverb ng kwarto was to install thick curtains. namatay yung kwarto tho, pero I think mas madali habulin ang reverb dead na clip kesa sa audio na laced with natural room reverb.
Let's be out with the aesthetics. Sa tingin ko personally, iyon din isa sa purpose ng sound panels.
Anyways, ilan bintana ng kwarto mo? Sa dati kasi namin kwarto, 2 bintana (one on each adjacent walls) tapos pareho may kurtina. I guess kaya patay reverb doon.
Sa new rectangular shaped room, isa lang bintana on of the shorter side, at doon rin nakapwesto yung desktop PC. Nagba-bounce sa 2 longer side walls tapos tatalbog sa may wall na may pintuan, reverb galore na. Kahit nga dialogue sa movie hindi ko maintindihan sa sobrang lakas ng reverb (halatang walang laman bahay ko hahaha!).