dati tumugtug ang itchyworms dito sa pasig kapasigan malapit sa police station, around 2002 - 2003 ata, not sure pero sa Gilbey's yun kasabay ang Sandwich. dapat sa damayan court sila tutugtug sa di malamang dahilan biglang nilipat sila sa bigla sa kapasigan dun sa may tabi ng police station. ang resulta, hindi nainform agad ang mga tao na nilipat pala sila dun sa tabi ng pasig police station. last minute ata ginawa yung decision, literally last minute. ang nangyari walang alam ang mga manunuod nun kaya konti lang ang nakapunta. buti na lang updated kame kasi taga pasig kame, ang saya nun lasing na lasing ako kasi sabi ni Dyugs bigyan lang daw ako lage ng alak ng mga taga gilbeys kasi pinakanta niya ko, ibinigay niya saken yung mic kinanta ko yung happy birthday nila. ewan ko kung natatandaan pa nila yun.
ang astig pa nga nun, nalimutan ni ata ni dyugs yung key ng auto niya sa loob, nagpatulong siya sa mga tambay dun, eh mga bukas kotse gang ata mga tambay nun, binuksan daw agad auto niya ng ilang segundo lang.
hindi ako nakapagpa autograph sa itchyworms nun kasi umalis agad sila, pero pag nagparepair na ako ng gitara kay sir dyugs sa guitar911 niya hihingi ako ng lahat ng autograph ng itchyworms kaya humanda sila.
tapos yung sandwich tuwang tuwa kame, kapanuhunan pa ng replete, hair pin, butterfly carnival nun, as in ang saya. tapos ibinato sa amin ni raymund yung pick niya, nakuha ko pa nga ang swerte ko, orange tortex, tapos mga ilang araw, ninanakaw ng clasmate ko sa bag ko. alam ko nasa kaniya pa yun hanggang ngayon tinatago niya, wag ko lang makita nakadisplay sa bahay niya yun, nanakawin ko din yun sa kanya.
la lang po.