TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

Anything Goes => Kalusugan, Kakisigan at Kaayusan => Topic started by: never_1007 on November 21, 2007, 06:47:50 AM

Title: usapang goli.....
Post by: never_1007 on November 21, 2007, 06:47:50 AM


pano ba ang tamang paraan ng pagligo?

ano unang dapat mabasa sa katawan, at ano una dapat sabunin..??
kaw anong kwentong ligo mo?
Title: Re: usapang goli.....
Post by: lil.drummerboy on November 21, 2007, 08:22:32 AM
bakit tol di ka ba naliligo? wahhahaha :lol:
Title: Re: usapang goli.....
Post by: daemonite on November 21, 2007, 10:29:31 AM
Taking a bath is a standard of hygiene.

Kung hindi ako nakakaligo, nanlalagkit ako and mas suplado ako.

Masarap maligo after practice. Da best....
Title: Re: usapang goli.....
Post by: cavsdieagram on November 21, 2007, 10:43:55 AM
Patawa ung thread ni never...puntahan nga kita sa inyo at mapaliguan ka!!! :evil:
anyway try ko makatulong, eto ung saken hahaha!!!
1. basain lahat
2. sabon1
3. hilod (para pumuti!!!) :lol:
4. sabon2 (whitening)
5. siampu na!!! then rinse
6. conditioner (babad)
7. body&facial scrub (para pumuti ulet)  :lol:
8. toothbrush
9. RINSE all the way...
10. the end BIHIS KANA!!!  8-)

effective yan para bumango!!! isa lang ung hindi effective yata sa ken...
ung PUMUTI!!! :lol: CHEERS!!! maligo kana NEVER ok!!!
Title: Re: usapang goli.....
Post by: Bammbamm on November 21, 2007, 02:18:36 PM
Dalawang beses ako maligo araw-araw, pero ganito procedure ko;

Sa pagligo sa gabi-  Matapos sabunin ang buong katawan (puwera mukha), mag kukuskos ng lava carra o loofah sa buong katawan (meron ding nabibiling synthetic fibers na panghilod sa mga drugstores, saka sponge para sa mukha) para matanggal ang mga libag o dead skin cells.

Huwag kalimutang hiludin ang mga paa at talampakan para hindi madevelop ang kalyo- lalo na yung sa bandang gilid ng sakong at yung magkabilang dulong daliri sa paa at mga singit-singit ng mga kuko. Magbanlaw pagkatapos. Maganda kung may upuan ka sa banyo, mahirap kasi gawin 'to eh- matrabaho!

Mag shampoo ng ayon sa tipo ng buhok. In my case, mild shampoo lang..iskinheyds kasi ako eh, hehehe..  Sabunin ng facial soap ang mukha, batok, tenga at leeg. Marahang kuskusin ng sponge o face towel. Banlawan ng mabuti at magpatuyo ng katawan sa pamamagitan ng marahang pagdampi ng tuwalya sa katawan....-parang yung mga nasa kumersyal ng mga sabon sa tv,..hehehe!
Mag dental floss bago mag toothbrush. Sepilyuhin pati ang dila hanggang sa dulo malapit sa lalamunan hanggang masuka-suka ka na, hehehe..medyo maluluha ka dito -malamang!.. :wink:...magmumog pagkatapos at magpunas ng bibig.
Magsuot ng malinis na damit na pantulog.

Maglinis ng tenga sa pamamagitan ng cotton buds.
 
Optional: Maglagay ng pampa poging panlinis ng mukha, batok at tenga -kahit hindi pumopogi- sige lang, basta may pambili, hehehe!  :-D
Mag lotion, moisturizer, etc.

Humarap sa salamin at sabihing.."Guwapo ka,..pero sikret lang nating dalawa yan ha".. tapos matulog ng nakangiti. :-)


Sa umaga-  pagkatapos jumebs, mag shower katulad ng ginagawa sa gabi pero minus kuskos -parang pampa gising lang..magsepilyo, mag shave, mag lotion/sunscreen (optional) magpabango/deodorant, magbihis ng malinis na damit...tapos tambay na!...Ayus!   :lol:
Title: Re: usapang goli.....
Post by: boypalo on November 21, 2007, 08:27:33 PM

pano ba ang tamang paraan ng pagligo?

ano unang dapat mabasa sa katawan, at ano una dapat sabunin..??
kaw anong kwentong ligo mo?


ung tuyo :-D
Title: Re: usapang goli.....
Post by: bhenard on November 21, 2007, 08:51:49 PM

ung tuyo :-D
oo nga :lol: :lol:
Title: Re: usapang goli.....
Post by: stilljey on November 22, 2007, 04:01:33 AM

pano ba ang tamang paraan ng pagligo?
ano unang dapat mabasa sa katawan, at ano una dapat sabunin..??

wala namang standard sa paliligo kung ano dapat maunang mabasa, yung iba inuuna yung buhok, yung iba mas type na katawan muna, Sa pagsasabon naman yung iba inuuna yung ari nila kasi baka mapasarap eh tumagal dun ang pagsasabon :evil:,  ako katawan muna ang unang sinasabon ko, then mukha at huli na si manoy hanggang puwet pababa.

Sa mga babae naman di ko alam , di pa kasi ako nakakaranas mamboso :-D, pwede sigurong sagutin ng iba
Title: Re: usapang goli.....
Post by: marzi on November 22, 2007, 02:16:24 PM
pag basa na ko, inuuna ko mag shampoo...tapos buhos buhos...facial wash...buhos ulit...tapos sabon...habang may sabon pa, loofah na...tapos foot scrub...buhos ulit...banlaw...tuwalya...presko!

inuuna ko shampoo para yung mga susunod na buhos ko ma-rinse sya ng maigi at walang matirang shampoo sa ulo...

once a week lang ako mag conditioner...
Title: Re: usapang goli.....
Post by: boypalo on November 23, 2007, 03:22:31 AM
ako tinatali ko muna buhok ka pag nagsasabon ng katawan at muka sagabal kc kung san san pumupunta. tapos saka ako nagshashampoo at conditioner.
Title: Re: usapang goli.....
Post by: michiko.airashii on November 23, 2007, 04:22:00 PM
here's what i do:

buhos muna ng ulo at katawan..siguro mga 4 na tabo..then i get shampoo about a peso size...mix it with a little bit of water..then shampoo my scalp..kahit na hindi masyadong mabula ayos lang..basta make sure na nalilinis ung scalp nyo thoroughly..don't worry about the strands of your hair kase malilinis rin yan as the bubbles of the shampoo makes its way with the water.

then rinse well..tapos conditioner..the driest part of our hair are the tips..so condition it well..hanggang sa ilalim ng batok mo..kase di nabibigyan ng attensyon ung part na un laging ung tuktok lang..tapos..iipitan ko na nung plastik na clamp at the top of my head..so ung mga conditioner na nasa end ng hair kakalat na sa ibabaw ng ulo..remember..shampoo the scalp and condition the tip..

for guys you can put conditioner everywhere you like..kase maiksi lang naman buhok nyo..massage it well..apply a little pressure at isipin nyo na si leah dizon ang nagcoconditioner sa inyo.  :wink:

iniiwan ko ung conditioner sa buhok ko as i continue my regimen..kuha ka ng loofah..then rub the soap in it..then slowly rub it against your skin..remember guys..mejo matagal nang babad sa tubig ung skin nyo habang nagsashampoo/conditioner kaya wag naman masyadong madiin ang pagsasabon kase sensitive na yan..open na ung pores natin by then at madali nalang sya linisin..use circular motions para marelax ung mga muscles and make sure na babanlawan nyo ung bimpo/loofah as you go down..starting from the face..neck..shoulders..arms..armpits..tapos chest area..tapos banlawan nyo na then reach your back as far as you can..banlaw ulit before going to your butt and inner thighs..alam nyo na siguro kung pano nyo gusto linisin ang mga junior nyo..kaya after nun banlaw ulit then proceed with the thighs and legs down to your feet.

don't let soap stay in your body for 5mins or more..sobrang nakakadry yan..splash some water every now and then. after nun magrinse ka na ulit..then what i do is i follow with a scented body wash..like ung dove cucumber and green tea body wash..para mabango ka kahit na walang lotion..then syempre for us girls..feminine wash..tapos gamit ka ng toobrush for your toes and inbetween your feet..then use a foot file for your soles and sa ilalim ng paa.

then rinse again! then dry up! use a different towel for your hair and for your body..make sure you pat dry your face first before your body..

paglabas mo ng banyo..smile lang and think you are the sexiest human alive!  :-D 
Title: Re: usapang goli.....
Post by: gUrLaLiEn on November 23, 2007, 07:15:37 PM
sino kaya yung nag iisang sumagot ng hindi siya naliligo araw-araw dahil nakakatamad? hehe...

naliligo ako every morning bago ako pumasok. then nag sshower naman ako sa gabi bago matulog...  :-D
Title: Re: usapang goli.....
Post by: stilljey on November 24, 2007, 05:37:08 AM
wow!  ang swerte naman ng boyfrend mo iha dahil ang bango mo sa gabi.....peace :wink:
Title: Re: usapang goli.....
Post by: bhenard on November 24, 2007, 06:21:54 AM
sino kaya yung nag iisang sumagot ng hindi siya naliligo araw-araw dahil nakakatamad? hehe...

naliligo ako every morning bago ako pumasok. then nag sshower naman ako sa gabi bago matulog...  :-D

Nice....pag me work or other activities,ligo talaga sa before leaving and shower naman bago matulog...

siguro kaya sya tinatamad dahil walang tubig...diba nakakatamad talaga yun?
Title: Re: usapang goli.....
Post by: Bammbamm on November 24, 2007, 12:55:41 PM
Ayus idea mo michiko,..toothbrush para sa paglinis ng mga kuko sa paa.  :-) ..di ko naisip yun ah.  :?
Title: Re: usapang goli.....
Post by: drummer_boy17 on November 24, 2007, 01:01:18 PM
sabon lang na sabon kuskos kahit sa pinaka singit mo.. para pumuti tas banlaw.. tapos magpatuyo.. tapos mag pulbos sa buong katawan.. panigurado amoy BABY ka parin :-D
Title: Re: usapang goli.....
Post by: never_1007 on November 26, 2007, 06:48:42 AM


sabon lang na sabon kuskos kahit sa pinaka singit mo.. para pumuti tas banlaw.. tapos magpatuyo.. tapos mag pulbos sa buong katawan.. panigurado amoy BABY ka parin :-D

hehehe.. "baby cologne.. big TIME!! Oh, ilaw...."  :mrgreen:

rakerz pattern bath.. hahaha.. tnx...
Title: Re: usapang goli.....
Post by: gUrLaLiEn on November 26, 2007, 06:26:15 PM
wow!  ang swerte naman ng boyfrend mo iha dahil ang bango mo sa gabi.....peace :wink:

nyahaha... swerte talaga yun!  :-D

Ayus idea mo michiko,..toothbrush para sa paglinis ng mga kuko sa paa.  :-) ..di ko naisip yun ah.  :?

nakakatamad talaga yun! pero sana maligo pa din siya araw araw... kawawa naman kasi yung tumatabi sa kanya  :-D
Title: Re: usapang goli.....
Post by: Xilence on December 05, 2007, 04:41:10 AM
everyday me maligo pero may times na hindi ako makakaligo dahil sa puyat, sa oras at minsan dahil sa katam... pag ganitong mga sitwasyon, nagbibimpo ako!

Pag naligo naman ako, shampoo uunahin ko.  Konti lang muna, yung saktong kaya i-hold yung buhok ko into place.  Dahil long hair ako, ibu-bun spiral ko siya sa ulo ko then magsasabon nako ng arms then chest, neck, back, side, privates, legs.  Di  ako nagsasabon ng paa.  Gumagamit ako ng ibang sabon para sa paa... JOY! cleanser.  Ewan kung bakit pero habit na ata.  Pag walang joy, yung shampoo na lang.  Rinse then dry my skin first.  Last na yung hair.  Nakayuko ako when I dry off (bad posture).

Bathing: Difference Between Men and Women
Title: Re: usapang goli.....
Post by: charmonium on December 05, 2007, 05:51:31 PM

Humarap sa salamin at sabihing.."Guwapo ka,..pero sikret lang nating dalawa yan ha".. tapos matulog ng nakangiti. :-)



iyun yon e. hehe :-D
Title: Re: usapang goli.....
Post by: seyer on December 06, 2007, 01:11:18 PM
 :-)